Makalipas ang dalawang linggo… “TULOY na ang farewell party ninyo. Dumating na si Charlie galing sa honeymoon niya. Natawagan ko na sila Brad. Game daw sila. Ikaw ba?” “Oo naman,” nakangiting sagot ni Art Mendez sa tawag ni Keith. “Mamayang gabi, hindi ba? Darating ako. May date lang kami ng fiancée ko ngayong tanghali.” Tumawa si Keith. “Fine. Sige. Kitakits na lang mamayang gabi.” Iyon lang at tinapos na nila ang tawag. Sandaling inayos ni Art ang mga gamit sa kanyang opisina. Ilang buwan pa lang ang nakararaan nang kunin niya ang unit na iyon sa isang commercial building sa Makati para gawing headquarters. Para may masasabi namang workstation ang kanyang assistant at ilang staff and crew na kasama sa tinatawag na ‘package deal’ kapag siya ang kinuhang direktor ng isang pelikula. Dat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


