“T-Tere…” napatakbo ako nang makita ko si Teresita sa harap ng club. Hindi ko na pinansin kahit na may kayakap siyang lalaki basta gusto ko lang mailabas ang lungkot ko at gusto ko ng isang taong magiging karamay ko. Narinig ko pa ang daing n’ung lalaki nang hilain ko si Teresita at dambahan ng yakap. “Bes, okay ka lang? Anong nangyari? My God, kawawa naman ikaw,” naaawa niyang sabi habang hinahagod palikod ang buhok ko at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi ko. “Tahan na.” Hindi ako nagsalita ng kung ano bagkos ay mas hinila lamang siya at niyakap ng mahigpit na mahigpit. Alam kong naiintindihan niya ako sa paraan na paghaplos niya sa likod ko. “Sabihin mo lang kapag ready ka na magkuwento. Tara pasok tayo sa loob, doon ka muna sa pwesto ko,” aya niya. Nagpaalam siya sa lalaking ineen

