A/N: I’ll use the real name of Sabrina; Crystal Thalia Alonzo [CRYSTAL THALIA ALONZO] Bumili si Daddy ng isang buong letchong baboy at nagpaluto siya ng maraming-maraming pagkain dahil nalaman namin na positibo ang naging result ng DNA namin. Anak talaga niya ako! Huhu! Belong talaga ako sa mayamang pamilya. Hindi ako makapaniwala! Hindi ko rin alam kung ilang iyak na ‘yung nagawa ko sa tuwing naiisip ko na nasa tunay na pamilya na ako. Hindi na ako pakalat-kalat sa daan at wala ng kukutya sa akin na wala akong pamilya. At saka pinapalitan na ni Daddy ‘yung name ko. Crystal na ngayon ang name ko na tinatawag nila. Ayaw niya rin daw ‘yung Sabrina Legaspi kasi hindi ko raw bagay. I love the name! At saka sabi ni Kambal ay bagay na bagay ko ito. “Ma’am! masaya po ako na nakilala kita,”

