Tapos na ako at palabas na sana nang may marining akong dalawang babaeng nag-uusap sa labas. Wala naman sana akong pakialam kung hindi ko lang narinig ang pamilyar na pangalan. “Talaga ba? Alam mo matagal ko na ring naririnig iyang tsismis na iyan. Kaya lang mukhang magaling sa media control iyang si Kiara,” dinig kong sabi ng isang babae. “Well, natatandaan mo ba si Rachel? Iyong model ng Vone Perfume? Balita ko, siya ang bagong babae ni vice-president. At ito pa ang chika, itong si Rachel daw mismo ang nakapagkuwento sa madaldal niyang handler na hindi naman daw totoong nagsasama iyang si Kiara at si Vice-president. Kumbaga, palabas lang iyong kasal nila noon para manalo sa eleksyon. Tingnan mo, limang taon na silang kasal pero hanggang ngayon wala pa ring anak. Kasi nga, hindi naman d

