Kinagabihan ay dumiretso na kami sa venue ng rally. Nahirapan din kaming makapasok sa sobrang dami ng tao. Pero nagsisimula na ang mga performance sa stage. Tumuloy kami sa likod na kinaroroonan ng waiting area. Pumasok kami sa kuwartong nakalaan para kay Sander at sa mga staff niya. Bumati kami kay Sander pero hindi ako lumapit sa kaniya. Alam kong nagtataka siya dahil sa ginawa ko, pero mas okay na ito kaysa magkartoon ng puwang upang mapaghihinalaan ng iba. “Coleen, come here,” nagulat ako nang bigla niya akong utusang lumapit sa kaniya. Yes, nag-uutos siya! Pasimple akong lumapit sa kaniya pero medyo nakadistansya pa rin ako. Hindi ko lang alam kung ako lang pero parang bahagyang dumilim ang mukha niya. “Yes, sir?” pormal na tanong ko. “Make a coffee for me,” malamig na utos nito

