“Ilabas ni’yo na ang babaeng iyan. Masiyado na siyang nakaaabala sa mga customer natin,” utos kong muli sa mga guwardiya saka tumalikod na. Narinig ko ang mga paulit-ulit na sigaw at pagmumura ni Kiara ngunit hindi ko na siya muli pang nilingon. Dinig na dinig ko rin mula pa kanina ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. “Ma’am, hindi po ba natin sasampahan ng reklamo ang babaeng iyon?” nagulat ako at napahinto sa paglalakad nang marinig ang boses ng manager ko. Hindi ko kasi namalayang sumunod pala siya sa akin. “Hindi na kailangan. Ang gawin mo, puntahan mo iyong mga taong nakikiusyoso kanina. Siguraduhin mong walang sino man sa kanila ang nakakuha ng picture o video na mayroong mukha ko. Sabihin mong idedemanda ko ang sinumang kumuha ng picture o video ko nang walang pahintulot,” m

