Pinanood ko siyang lumakad papunta sa center table ng sofa at ilapag doon ang tray na may lamang pagkain. Pagkatapos ay humarap siyang muli sa akin at akmang lalakad papalapit sa akin. Pero itinaas ko ang dalawang kamay ko para pigilan siya. Napahinto naman siya sa paglalakad at patuloy lang na nakatitig sa mukha ko. “Diyan ka lang!” asik ko. “Bakit mo ito ginawa? Ano’ng kalokohan ito, ha? Bakit ako nandito, Sander?!” nanggigil na tanong ko. Inis na inis ako sa kaniya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil kinakabahan ako na hindi ko malaman. “Because I want you back! Babawiin na kita, Coleen. Sa akin ka lang dati at magiging akin ka lang din muli!” matigas na sabi niya. Napamaang ako sa sinabi niya at tamemeng napatingin sa mukha niya. Pakiramdam ko ay may kausap akong baliw na hindi a

