Sander’s POV “Nakauwi na ba ang babaeng iyon?” mariing salubong agad sa akin ni lola. Bumalik na sa dating eksena ang kabuuan ng party kung saan ay muling nagsasayawan na ang ilan, habang ang iba naman ay masayang nagkukuwentuhan habang kumakain. “Lola, we do not know what really happened earlier. Kakausapin ko na lang si Coleen pag-uwi ko,” mahinahong sagot ko. I was still uneasy whenever I remember Coleen’s crying face. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko nang makita ko siyang pinagsasalitaan ng hindi magaganda kanina. Maybe she’s chatty and free-spririted, but I know she’s not the person they were telling her to be. Kaninang umiiyak siya ay para akong natataranta at gustong-gustong balikan ang mga nagpaiyak sa kaniya at saktan sila sa ginawa nil

