Chapter 42

1154 Words

Mahigit dalawang oras pa ang itinagal ng pag-iimbestiga sa akin bago kami pinayagang makapag-usap muli ng sarilinan ni Atty. Monica. “Aaminin ko sa iyo, Coleen, medyo mabigat ang paratang sa iyo. Maging ang lahat ng ebidensiya ay nakaturo sa iyo. Wala rin tayong witness para patunayan ang claim mo. Pero tatrabahuhin ko na ito agad. Ako mismo ang hahanap ng ebidensya para patunayang mali ang ibinibintang sa iyo. Basta siguraduhin mo lang na nagsasabi ka sa akin ng totoo, okay?” saad niya. Mayroon pa siyang ilang mga legal terms na ipinapaliwanag sa akin pero halos hindi iyon pumapasok sa isip ko. Halos matatapos na naman ang araw ay wala pa ring paramdam si Sander. ito pa ang lalong nagpapahirap sa kalooban ko. “Opo, attorney. Lahat ng sinabi ko po sa inyo, iyon po ang totoo,” paniniguro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD