Kinagabihan ay nagulat ako nang mapagtantong nilalagnat ako. Kaya pala lalong sa ng ulo ko at mainit ang singaw ng mga mata ko. Epekto pa rin kaya ito ng nangyari sa amin ni Sander? Wala naman kasi akong ubo o sipon, kaya wala akong maisip na dahilan kung bakit ako nilalagnat. Hirap akong lumingon sa may pintuan nang marinig ang ilang katok mula roon. “Farah… si Leahbel ito. Puwede ba akong pumasok?” narinig kong tanong sa labas. Gusto ko sanang maupo pero umikot ang paningin ko kaya bumalik ako sa pagkakahiga. “Pasok ka,” nabigla ako. Maging ang boses ko ay medyo basag at masakit ang lalamunan ko. Puno ng concern ang mukha niya nang makita akong nakahiga sa kama. Agad siyang lumapit at ipinatong ang kamay sa noo ko. Napasinghap siya. “Ang init mo! Nilalagnat ka pala,” gulat na saad

