Ilang linggo pa ang lumipas at nakasanayan na namin ang mga ganoong eksena. At habang tumatagal ay medyo humihirap na rin ang mga ginagawa namin sa school. Hanggang isang araw habang tumatakbo ako paakyat sa third floor dahil naroon ang next class ko ay hindi inaasahang nadulas ako at muntik nang mahulog. Inaasahan ko na talagang masaklap ang pagbagsak ko kaya ipinikit ko na ang mga mata ko pero bago pa man ako lumagapak sa semento ay ramdam ko na ang mga bisig na sumalo sa akin.
“Be careful, Miss,” dinig kong sabi noong lalaking nakasalo sa akin. Ang lalim ng boses niya at nang idilat ko ang mga mata ko para tingnan siya ay napanganga ako dahil ito iyong guwapong lalaking nakita ko noong enrollment.
Hindi agad ako nakahuma sa pagkabigla kaya nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa muli itong magsalita.
“Miss, medyo mabigat ka na. Hindi ka pa ba tatayo?” maginoong tanong nito. Medyo hirap siyang magtagalog base sa accent niya. Mabilis pa sa kidlat na inayos ko ang sarili at napayuko dahil sa pag-iinit ng mukha ko ay alam kong namumula na ako ngayon.
“S-sorry. Salamat nga pala, kasi kung hindi dahil sa iyo hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa akin,” nahihiyang pasasalamat ko sa kanya. s**t! He’s so handsome talaga. It’s official! He is now my ultimate university crush! Grabe, ang pogi na ang gentleman pa. Tapos kaninang nakadikit ako sa kanya amoy na amoy ko na ang bango niya.
“It’s my pleasure to help,” sabi nito saka pinulot iyong librong nabitawan ko kanina.
“By the way, I am Coleen. You are?” I tried to sound casual para naman hindi niya mahalatang mamamatay na ako sa kilig dito.
“I’m Park Je Jung. But you can call me Jung,” nakangiting sagot nito at inilahad pa ang kamay na agad ko namang tinanggap.
“Are you Chinese or–”
“Korean!” maagap na putol nito sa akin. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.
“Nice to meet you, Jung!”
“It’s my pleasure to meet you, too. And next time, please be careful I don’t want to see a scratch on that beautiful face of yours,” nakangting saad nito sa akin. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko para pigilin ang paglitaw ng maluwang kong ngiti pero sa totoo lang tumalon ang puso ko sa sinabi niya. At least para sa paningin niya maganda ako, ‘di ba?
“Thanks!” sabi ko saka ko naalala kung bakit ako nadulas. Nagmamadali nga pala ako dahil late na ako sa klase ko. Kaya mabilis akong nagpaalam sa kaniya at dali-dali na tinungo ang classroom namin.
Hindi maalis-alis sa isip ko ang nangyari kanina kaya kahit napagalitan ako ng bonggang-bongga kaninang bumungad akong late ay okay lang dahil worth it naman. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa mga labi ko at parang may mga paruparong naglalaro sa tiyan ko.
“Hoy! Okay ka lang ba? Sa lahat naman ng nakita kong napagalitan sa harap ng lahat, ikaw lang ang nakangiti at mukhang tuwang-tuwa pa?” pabulong na tanong ni Kristine sa akin.
“Besh, may good news kasi kaya ako na-late. I will tell you later, promise!” pasimpleng sagot ko sa kaniya para hindi nila mapansin na nag-uusap kami. May pagka-istrikto kasi itong teacher namin ngayon.
Ang inakala kong masayang encounter namin ni Je Jung ay mauuwi na sa mas malalim na pagkakaibigan o higit pa kaya lang napag-alaman kong may girlfriend na pala ito. Sadyang mabait at gentleman lang talaga siya kaya mabait sa lahat lalo na sa mga kababaihan. Ako lang talaga itong assuming.
“Besh, why do you look so down? Iniisip mo pa rin ba iyong Jung na iyon? Naku move on na girl, mas marami pang higit kaysa sa kaniya. Besides, he is Korean, and you know that they value their traditions more than anything else kaya I’m sure hindi talaga kayo puwede,” banayad na paliwanag ni Kristine sa akin.
“Yeah, I know. Hayaan mo na lang muna ako saka kaya ko ito ano! Ako pa ba?” natatawang tugon ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala sa akin.
“Mabuti naman kung gano’n. Nga pala next week na ang debut party ko. Sabi ni mommy okay lang na ako ang pipili ng 18 roses ko,” masayang pagbabalita nito sa akin. Mabilis akong napangiti sa kaniya. Actually, mas matanda ako ng isang taon kay Kristine dahil mas maaga siyang nag-aral. Marami siyang naging pasabog noong ako ang nag-debut kaya gusto kong bumawi.
“Oo nga pala, naku masaya iyan! E, may listahan ka na ba kung sino-sinong ilalagay mo sa 18 roses?” excited na tanong ko sa kaniya.
“Wala pa nga eh. Dalawang lalaki lang naman ang ka-close natin. Si Drake at saka si kuya Charles lang, so sino iyong ibang ilalagay ko kaya?” she asked me while puckering her lips.
“Narinig ko ang pangalan ko! ano iyan ha?”
Napalingon kami kay Drake na ngayon ay nakasuot ng practice shirt niya.
“Alam mo ikaw, para kang kabute! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot at nanggugulat!” reklamo ko sa kaniya. Natawa lang ito at tumabi kay Kristine.
“Sorry, guys! Hindi ko naman kasi inaasahang makikita ko kayo rito. So, ano’ng pinag-uusapan niyo at nasali ako?” dagdag na tanong pa nito.
“Birthday na kasi ni Kristine next week, remember?” sagot ko sa kaniya at tumango naman ito.
“I need 18 gentlemen for my 18 roses and one of them will be you.” Si Kristine na ang nagtuloy na sumagot kaya napatango na lang ako bilang pagsang-ayon.
“There’s no problem with me!” maluwang ang ngiting sabi naman ni Drake.
“Well, that’s not the problem here!” sabi ko naman.
“E, ano?” kunot-noong tanong ni Drake.
“18 men ang kailangan. Dalawa pa lang kayo ni kuya Charles ang nasa listahan, so 16 pa,” pagbibigay-alam ko sa kanya.
“How about tito Leandro? He should be included in the list too, right?” Drake suggested. Napapalatak naman ako.
“Oo nga ano? Puwede rin pala riyan iyong mga pinsan mong lalaki or uncle gano’n. i-invite mo kaya si Jefferson?” suhestiyon ko. Sabay namang napasabi ng ‘no’ ang dalawa bilang pangontra kaya natawa lang ako. Iyong Jefferson kasi ay iyong pinakamasugid sa lahat ng manliligaw ni Kristine at kahit ilang beses ng binasted e nagpupursige pa rin.
Gayon pa man, nanatiling pihikan si Kristine pagdating sa mga manliligaw niya.