Chapter 6 Biyahe

2562 Words
Kitang-kitang ko ang matinding gulat sa mukha ng mga magulang ko nang bumungad ako sa may sala kasunod ko si Sander. Kasunod lang din ni daddy si mommy kaya mabilis akong lumapit sa kanila at nagmano, pagkatapos ay humalik sa pisngi nila. “Mommy, daddy, si Sander nga po pala. Dumaan lang po kami rito para kumuha ng ilang mga gamit ko kasi sasama po akong sa kaniyang magbakasyon sa Ilocos,” excited na pagpapakila ko sa kanila. Siyempre may kasama na ring segway ng pagpapaalam. “Sander, sila nga pala ang mommy at daddy ko,” baling ko naman kay Sander para ipakilala sa kaniya ang parents ko. May pag-aatubili man ay dahan-dahan itong lumapit sa amin at iniumang ang kamay. “Magandang gabi po, ako po si Sander, kaibigan ni Coleen. Natutuwa po akong makilala kayo,” magalang na pakilala niya sa sarili. Aray naman for the second time! Kailangan ba talagang bigyan ng emphasis na magkaibigan ‘lang’ kami? hanggang doon na lang ba talaga iyon? Sagad? Ibang sagad ang gusto ko, eh, ‘yong sagad na sagad talaga hanggang sa aking kaluluwa! Hindi joke lang po! Nagiging mahalay na naman ang isip ko! “Tumuloy ka at maupo, hijo. Ikinagagalak ka rin naming makilala!” imbita ni mommy sa kaniya. Sabay-sabay kaming umupo sa sofa, habang nagpahanda naman ng meryenda si mommy. Tatanggi sana si Sander dahil siguro busog pa siya pero naging mapilit si mommy. “Taga saan ka ba Sander? Ngayon lang kasi kita nakita, saka Sina Drake at Kristine lang din kasi ang kilala kong mga malalapit na kaibigan nitong anak ko,” tanong ni daddy. Mahinang tumikhim si Sander at bahagya pa akong nilingon at nginitian bago sumagot kay daddy. “Taga-Ilocos po ako. Nakilala ko po si Coleen through Kristine. And I’m grateful to be a part of their circle as friends,” magalang na tugon niya. Malapit ko na talagang isumpa iyang salitang friends na iyan! Masiyado nang mapanakit talaga. Hindi na rin ako natutuwa. “Gano’n ba? Gaano naman katagal mamamasyal itong si Coleen doon sa inyo? Ngayon pa lang kasi ito mamasyal na mag-isa tapos medyo malayo pa. No offense meant, hijo, pero sinisiguro ko lang din naman ang kaligtasan nitong anak ko,” nakangiting bulalas at tanong ni daddy. Ako naman ay agad pinamulahan ng mukha dahil ibinuking pa ni daddy na hindi ako namamasyal sa malayo na mag-isa. Baka mamaya bigla pang magbago ang isip nitong si Sander. May pagtatakang nilingon ako ni Sander kaya bigla akong kinabahan. Kapag binawi nito ang ipinangako niyang isasama niya ako sa Ilocos, hindi ko na talaga siya papayagang makalabas pa dito sa bahay namin. Oo naman, kahit ano pa ang mangyari. Si daddy naman kasi, napaka-OA! “I’m not really sure po about how long Coleen will stay there, but I guarantee you that our place is safe. Sisiguruhin ko rin po na magiging maayos ang lagay niya roon,” he said with a bit shy expression on his face. Habang tumatagal talaga lalo akong humahanga dito kay Sander. Masyadong prim and proper. Kaya bagay talaga siya sa akin kasi free-spirited ako habang siya naman iyong the real epitome of gentleman. “Mabuti naman kung ganoon. Naku sana mapagpasensiyahan mo rin ang kaunting kakulitan nitong anak ko. Pero magkaganoon pa man ay mabait naman siya at maaasahan,” sagot naman ni daddy na makahulugan pang ngumiti sa akin. “Sige po, dad, Sander, maiwan ko muna kayo. Aayusin ko lang iyong mga dadalhin kong gamit. Saka nakakahiya naman kung masyado na kaming gagabihin sa biyahe,” pamamaalam ko sa kanila. Tumango at ngumiti lang silang dalawa sa akin. “Dad, huwag masyadong TMI, ha? Baka ilaglag mo naman ako dito kay Sander kapag wala na ako rito!” babala ko kay daddy. Kilala ko sila ni mommy at alam kong medyo obvious na crush ko itong si Sander kaya kabado ako na baka may masabi silang ika-o-offend ni Sander. “Bakit ano bang ikinatatakot mo, anak? May sikreto ka bang hindi namin nalalaman?” napalingon kami kay mommy na ngayon ay may dalang tray na may lamang sandwich at orange juice. Natatawa pa ito habang nagsasalita kaya napanguso na lang ako. “Hindi naman po sa ganoon, mommy,” may halong pagmamaktol na tugon ko, at saka lumakad na papuntang hagdan. Ngunit napahinto ako nang muli siyang magsalita. “Saka ano ba iyong TMI, anak?” tanong ni mommy pagkatapos mailapag ang tray ng meryenda saka bumaling kay Sander. “Hijo magmeryenda ka muna, baka medyo matagalan sa pag-aayos iyang si Coleen. Sa itsura niya ngayon, mukhang balak na yata niyang dalhin ang lahat ng gamit niya!” halos mapahagikgik na sabi ni mommy. Tumabi siya kay daddy at hinihintay yata iyong sagot ko. “Salamat po, ma’am, pero sana po hindi na kayo nag-abala,” nakangiting tugon ni Sander. Ngumiti rin si mommy sa kaniya saka sinabing, “Walang anuman”. “Oh, Coleen, tinatanong kita, ano iyong TMI?” aakyat na sana ako, eh! “Too much information, ‘my!” sabi ko saka dumiretso na sa pag-akyat. Hindi ko na hinintay ang iba pa nilang sasabihin dahil siguradong tutuksuhin lang nila ako lalo. Medyo nakakahiya na kay Sander kasi baka lalong maging awkward ang pakiramdam niya. Dumiretso na ako sa kuwarto at inilabas iyong bag ko na may lamang ilang damit. Kahapon ko pa napaghandaan ang lahat dahil pinlano ko talagang sumama kay Sander sa probinsya nila. Mabuti na lang at pumayag siya. Kasi kahit hindi siya pumayag, susunod pa rin naman ako. Mahigit sampung minuto lang akong nagdagdag ng ilan pang dadalhin bago muling lumabas. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang tawanan ng mga nasa sala. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil baka ako ang pinag-uusapan nila tapos tinatawanan nila ako. Paranoid lang? “Wow! Ang bilis, ah! Bakit feeling mo ba iiwan ka ni Sander?” natatawang tanong ni mommy. Kaya palihim ko siyang sinimangutan, pero nagkatiningan lang sila ni daddy at saka muling nagtawanan. “Saka bakit ang laki ng bag na dala mo? Tapos dalawa pa. Balak mo na bang tumira roon?” dagdag pang-aasar pa ni daddy. Bigla tuloy akong napayuko upang tingnan ang dalawang bag na dala ko. Kasabay niyon ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil alam kong nakamasid lang din si Sander sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung lalapit pa ba ako sa kanila o dideretso na sa labas. “Gabi na po, mommy, daddy, kaya aalis na po kami,” magalang na paalam ko na lang saka lumingon kay Sander para senyasan sana itong tumayo na at nang makaalis na kami. Ngunit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang masilayan ang mukha niyang naaaliw habang nakatingin sa akin. Nailang tuloy ako at napahigpit ang hawak sa handle ng trolly bag ko. “Eloisa, tingnan mo iyang anak mo, pulang-pula ang mukha na akala mo alimangong pinakuluan,” pambubuska pa ni daddy. Lagi niyang sinasabi sa akin iyan sa tuwing pinamumulahan ako ng mukha. “Kung ready na po siya, magpapaalam na po kami para hindi naman kami masyadong gabihin sa biyahe,” sa wakas ay tumayo na si Sander at nagpaalam. Ang buong akala ko ay tatagal pa ang paghihirap ko rito. Bakit ba kasi bigla akong napipi nang wala sa oras? Kahit tinutukso-tukso ako ng mga magulang ko ay hindi naman sila nagkulang ng mga pagpapaalala na mag-ingat sa lahat ng sandali. Akala ko ay deretso na kaming bibiyahe pero huminto kami sa isang maluwang na residential area sa Taguig. Pagkatapos ay inalalayan pa ako ni Sander na makababa sa sasakyan. Napaka-gentleman talaga! Kaya ako naman ay pasimpleng kumapit sa braso niya noong naglalakad na kami. nilingon niya lang ako pero wala namang iba pang sinabi. Hindi rin naman niya binawi ang braso niya kaya nagpatuloy kami sa paglalakad habang ang puso ko ay naglululundag sa dibdib ko. Dinig ko rin ang ingay mula kung saang bahagi ng bahay na ito at hindi ko na malaman kung saang dako nanggagaling iyon. “May dadaanan ba tayo dito?” maya-maya ay natanong ko kasi hindi naman na sumunod iyong mga tauhan niya sa amin. Tapos sa may bandang likuran pa nitong napakalaking mansyon kami dumeretso. “Yes. Nandito kasi iyong sasakyan natin papuntang Ilocos,” simpleng sagot niya. “Kanino pala itong bahay na ito?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya. “Mine,” “Huh?!” Napahinto kami sa paglalakad dahil bigla rin akong huminto. Gulat akong tumingin sa kaniya at ang mga mata ko ay nagtatanong. “Why?” nangingiting tanong niya. “Sa iyo itong mansyon na ito? Sinong kasama mong tumitira rito?” magkasunod kong tanong. Mahina siyang tumawa saka tumitig sa akin. Ako naman bilang marupok sa kaniya ay parang nakukuryente sa tingin niya kaya nahihiya akong nag-iwas ng paningin. “Ako lang ang nakatira rito at ang mga maids at tauhan ko. Mas madalas akong narito sa Manila lalo na kung may mga sessions sa congress. Kaya dito ako tumutuloy,” paliwanag niya. “Ah, okay…” sabi ko na lang at nagpatuloy na kaming muli sa paglalakad. Nang marating namin ang maluwang na lawn sa likuran ay napanganga ako dahil doon pala nanggagaling iyong ingay. “Let’s go! Ready na ang sasakyan natin,” sabi ni Sander at saka binilisan ang paglalakad. “Maghe-helicopter tayo papunta sa inyo?” manghang tanong ko. medyo nilakasan ko ang boses ko dahil ang ingay noong chopper. Hindi na nakasagot si Sander dahil binati at kinausap na siya ng isa sa mga tauhan niya. Hindi ko masyadong naintindihan ang pinag-usapan nila pero parang may narinig akong inaantay na raw ng lola ni Sander ang pag-uwi niya. Marahan niyang hinapit ang baywang ko papalapit sa helicopter at saka niya ako inalalayang makasakay. Iyong mga bag ko ay iyong mga tauhan na niya ang nagkarga sa loob. Umikot siya sa harap saka ako tinabihan sa may bandang likod. Kanina pa nakasakay ang piloto at sa tabi naman niya ay isang lalaking naka-polo shirt ng puti at may dalang itim na attaché case. “Bernard this is a friend of mine, Coleen. Coleen, siya si Bernard Samaniego, ang personal assistant ko,” pagpapakilala ni Sander sa amin noong lalaking nakaputi. “Hello, ma’am Coleen, nice to meet you po,” magalang na bati ni Bernanrd at inilahad pa ang kamay sa akin. Agad ko namang tinanggap iyon at nagpasalamat. Humigit-kumulang isang oras lang ang itinagal ng biyahe namin kaya kahit paano ay hindi ako napagod. Nag-enjoy pa nga ako kasi ang gandang panoorin ang mga tanawin sa baba habang madilim ang paligid at iyong mga ilaw na nanggagaling lang sa mga building at kabahayan ang nakikita. Lalo tuloy akong na-excite maging flight attendant soon. Sayang lang talaga at hindi ko na makakasama ang best friend ko. “Are you alright? Hindi ka ba nahilo?” agad na tanong ni Sander nang makababa na kami sa chopper. Agad akong umiling at ngumiti. “Hindi, ‘no! Ang saya-saya kaya. Sobrang nag-enjoy talaga ako. Alam mo ba iyong si Charles, napaka-sweet no’n. inilibot niya kami dati sa buong Luzon gamit iyong isang helicopter niya. Hindi pa sila ni Kristine noon kasi nasa high school pa lang kami dati,” sagot ko. Hindi ko rin maiwasang ibida ang pamamasyal namin ni Kristine noon kasi iyon ang unang beses naming maranasan ang gano’n. Iyon pala, talagang may lihim na pagtingin na si Charles sa kaniya kahit noon pa. ang sarap siguro sa feelings kung mamahalin din ako ni Sander ng gano’n! “Kaya naman pala na-in love si Kristine sa kaniya,” malungkot na saad nito. Para namang kinurot ng pinong-pino ang puso ko sa reaksyon niya. halata ngang hindi pa siya nakaka-move on sa bestfriend ko. “Huwag kang mag-alala, nandito lang naman ako para sa iyo,” hindi ko namalayang lumabas na iyon sa bibig ko bago ko pa ma-realize. s**t, my lips are betraying me! “What?” kunot- noong tanong niya. “Ahm, well, ah…” ano ba iyan! Ano ba sasabihin ko? “I mean, nandito lang naman ako kapag kailangan mo nang makakausap o mapaghihingahan ng sama ng loob gano’n,” medyo utal na depensa ko. Hindi nawala ang pagkakakunot ng noo niya at tumitig lang ito sa akin. Halos pigil na pigil ko ang paghinga dahil sa uri ng titig niya. Nakakatunaw talaga! “Let’s go, kailangan mo na ring magpahinga…” maya-maya ay sabi niya at nauna nang naglakad. Malungkot na lang akong umiling habang pinapanood ang likod niyang papalayo sa akin. Bumuntong hininga ako saka napagpasiyahang sumunod na rin sa kaniya. Tila biglang bumigat ang bawat hakbang ko. Kahit kalog ako sa labas, medyo nasasaktan din ako sa loob-loob ko kapag naiisip kong iyong lalaking gusto ko ay may mahal pang iba. Sa sitwasyon namin ni Sander, isa lang ang sigurado ako, mahirap talaga magkagusto sa isang tao na hindi pa tapos magmahal ng iba. “Ito ang magiging kuwarto mo. Kapag may kailangan ka, pindutin mo lang iyong button sa gilid ng kama mo at may aakyat na maid para asikasuhin ka,” paliwanag ni Sander nang makapasok na kami sa ikalawang kuwarto sa second floor. Apat na palapag itong bahay na ang disenyo ay parang iyong mga old houses sa Vigan kaya lang may modern touch na iyong loob. “Nasaan dito ang kuwarto mo?” natanong ko habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng maluwang na silid. Napakaaliwalas ng kuwarto na beige at pink ang combination ng kulay. “Nasa third floor ang kuwarto ko, pati ang opisina at library ko ay naroon din. Iyong fourth floor naman ang kinaroroonan ng gym, iyong mga rooms for my parents and siblings if they are staying here. The whole second floor is really intended for the guests, friends or relatives that are visiting my house,” dagdag pa niya. Grabe naman itong si Sander, tatahi-tahimik pero bilyonaryo rin pala. Ito lang bahay niya sobrang gara at laki na, hindi pa kasama iyong napakalawak na bakuran. Gaya doon sa bahay niya sa Taguig, may sarili rin siyang helipad dito sa likod ng bahay niya. “Ang ganda ng bahay mo, Sander. Ang sarap-sarap namang tumira dito kasi napapaligiran ng malawak na bakuran na puro mga magagandang puno at mga halaman!” papuri ko. Bahagya siyang natawa sa sinabi ko at saka tumango. “Thanks. That’s why I chose this part of my mother’s property. I got this ranch on my 18th birthday,” may pagmamalaking sabi niya sa akin. “Wow! Rancho? As in hacienda ganon?” tumango siya agad kaya lalong napaawang ang mga labi ko. Grabe naman pala ang yaman nila! Nireregalo lang sa birthday iyong rancho? Nakakaloka! “Yes. I’d like to tell you more but it’s already late. I will personally tour you around tomorrow, I promise!” pangako naman niya kaya halos mapapapalakpak ako sa tuwa. “Promise iyan, ah?” paniniguro ko. Sunod-sunod siyang tumango habang nakangiti. Ang pogi niya talaga! Nakakahiya, kalalaki niyang tao siya iyong may dimples. “Yes, I promise!” Dahil sa sobrang tuwa at excitement ko ay bigla ko siyang nayakap. Ramdam kong nanigas siya sa kinatatayuan at kasabay naman niyon ang pagkatanto ko sa ginawa at biglang bumitaw sa kaniya. Pulang-pula ang mukha ko at sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD