KANINA PA SILA NAGHIHINTAY sa pagdating ni Augustus. Lahat ng East Side Ballas ay nasa loob na. Umaalingasaw sa kanilang mga katawan kung gaano sila kayaman. Halatang mamahaling damit ang kanilang mga suot, lalo na pagdating sa gamit na sasakyan. Si Frostine naman ay kanina pa kinakabahan, nanlalamig ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan. Kailangan niyang maging matapang, at ipakitang siya ang deserve maging pinuno ng East Side Ballas. "Relax, kasama mo ako walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang masira ang gabing 'to." Pagpapalakas ng loob ni Augustus sa kanyang anak. Tanging tango lang ang isinagot ni Frostine, nakahinga na siya kanina nang matapos niyang makausap si Maxwell, pero ibang kaba na naman ang kanyang nararamdaman. "Nandito na po tayo Mr. Merced." Seryosong sabi n

