ILANG minutong tahimik sina Augustus at Gideon, na para bang pinakikiramdaman nila ang kanilang paligid. "Paano ka nakakasigurong mapagkakatiwalaan at isa siyang kakampi, Gideon?" Malamig na tanong nito sa kaibigan. "I know her very well Augustus and I know she won't betray us. May isa siyang salita at alam kong gagawin niya iyon." Kalmadong sagot nito bago nagsalin ng red wine sa baso. Isa itong mamahaling alak, ang Screaming Eagle Cabernet Sauvignon madalas nila itong iniinom. "Don't expect anything from your adopted Eualie, we know from the beginning that there is nothing good that can help that child. All the missions you give her she can't do." Dagdag nitong sabi. "Puro kahihiyan lang ang ibinibigay niya sa atin, h'wag mong sabihin sa akin na siya ang papalit sa'yo?" Natatawa niton

