*FROSTINE's POV* TAAS noo akong naglalakad sa may red carpet, habang nakahawak sa braso ni Maxwell. Maraming napapatingin sa amin, hindi ko na lang iyon binigyan ng pansin dahil nangingibabaw itong pagwawala ng aking puso. Nagsimula na naman ang mga kabayong makipagkarera. Sunod-sunod ang pagkuha nila ng pictures sa amin, sana masira yang mga camera niyo! Mga tsismosang lahat gagawin para lang may ibalita. "Mr. Hermida, maari ko ba kayong kuhanan ng picture?" Magalang na tanong ng isang lalaki, malay ko ba kung sino siya report or camera man. "Sure." Malamig na sagot niya, akala ko siya lang pero pati pala ako kasama. Kunot noo akong napatingin sa kanya ng lalo niyang ipinagdikit ang aming katawan. Umayos na ako ng tayo, inayos ko na rin ang slit ng long gown. Para makita nila kung ga

