*MAXWELL'S POV* PAGKATAPOS ng nangyari kahapon, medyo naiilang na ako kay Frostine. Kahapon ko lang siya nakita kung paano pumatay. Wala akong makitang ekspresyon sa kanyang mukha. Para lang siyang kumatay ng manok kahapon, ginilitan niya si Mr. Salveron sa leeg. Kala ko okay na, pakakawalan na 'to pero hindi pala, balak niya pala 'tong patayin. Ako kaya, anong klaseng pagpatay ang kanyang gagawin sa akin? "May balak ka pa bang bumaba d'yan?" Malamig niyang tanong, kaya napatingin ako sa kanya. Nakahinto na pala ang kotse, hindi ko man lang namalayan. Masyado ko kasing iniisip ang ginawang pagpatay ni Frostine. Bumaba ako ng sasakyan at naunang naglakad papasok ng kumpanya. "Have you discussed the plan to abduct Mr. Bueno with Lucian?" Tanong ko kay Frostine habang nakasakay sa elevator

