*MAXWELL's POV* —— ABALA ako dito sa opisina, dahil tinatapos ko muna ang aking gawin bago puntahan sina mommy at anak ko. Excited na akong makita siya, may isasampal na ako sa Lucian na yon. Anong akala niya, siya lang 'tong may anak. 'Wat siyang mag yabang sa akin, hindi ko aanakin sa binyag 'yung baby niya. Tinatapos ko lang pirmahan 'tong mga dapat kong pinirmahan kahapon. Hindi na kasi ako makapag-focus, nang malaman kong buhay siya. Nakausap ko pa siya kanina, ang sarap sa pakiramdam. Lalo na ngayon alam kong mahal niya na rin ako. Pakakasalan ko na agad siya pagbalik niya dito. Babakuran ko na ang dapat sa akin, mamaya maagaw pa siya ng iba. Hindi ako papayag! Narinig kong bumukas ang pinto, kilala ko na kung sinong pumasok. Umaalingasaw ang kanyang pabago, walang iba kundi si

