Nanlamig si Frostine sa kinatatayuan niya dahil sa paghalik sa kanya ni Maxwell. Marahan siyang hinalikan ng binata, ramdam niya ang malambot nitong labi kahit hindi niya aminin sa sarili ay nadadala na siya sa halik nito. Halos hindi makapag-react si Frostine, nang hawakan siya ni Max sa bewang. Pakiramdam niya ay may kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan. Lalong nabingi si Frostine, dahil sa lakas ng kabog ng puso niya. Napasinghap siya nang mahigpit na hinawakan ni Max ang bewang niya.Naging dahilan ito upang ipasok ng binata ang kanyang dila sa bibig ni Frostine. Hindi namalayan ng dalaga na tumutugon na pala siya sa halik. Nag-espadahan ang kanilang mga dila, lalong naging mas malalim ang kanilang halikan. Na ikinatutuwa ni Maxwell, titig na titig sila sa isa't-isa. Pareho sil

