NANG makarating sila sa bahay nila Frostine, agad itong pumunta sa opisina ng kanyang ama ngunit wala ang ginoo. Pumunta siya sa kusina para tanungin si Manang Flor, nadatnan niyang abala ang ginang sa paglilinis ng kusina. “Where’s papa?” Malamig niyang tanong, napatingin naman sa kanya si Manang Flor. “Umalis sila kanina ng mama mo, hindi nila sinabi kung saan sila pupunta." Napatango naman ang dalaga. “Kumain ka na ba? Maghahanda ako.” Dagdag pa ng ginang, umiling ang dalaga. “Hindi na Manang Flor, magpahinga na kayo anong oras na ipagpabukas niyo na ‘yang ginagawa mo.” Ngumiti lang ang ginang, lumabas na ng kusina si Frostine. Pumunta siya ng underground kung saan nagsasaya na ang mga kapwa niya gangster, kumaway sila sa kanya habang may ngiti sa labi. Tumango lang si Frostine bago

