3RD PERSON’S POV TUMIGIL ang isang matikas na sasakyan sa hide out ng EAST SIDE BALLAS group, bumaba doon si Mr. Merced, walang emosyong tumingin ang mga mata sa iba pa nilang kasamahan na kararating lang. Nagpatawag ang ginoo para sa hakbang na gagawin niya laban kay Marcus. Hindi na niya ito maaaring pabayaan, tumigil na rin siya sa paghahanap sa nawawala niyang anak para pagtuunan ng pansin ang ginawa ni Marcus. Walang ideya ang lahat, dahil biglang nagpatawag si Augustus. Dati dadaan ang dalawa o tatlong araw bago siya magpatawag. Tahimik na naghihintay ang mga tanders sa conference room, maraming katanungan sa kanilang isipan if anong meron. Lumapit si Mr. Madrigal kay Augustus nang makita niya ang kaibigan. "Kamusta, Augustus long time no see. It's been a while since we've seen e

