Habang nagmamaneho galing sa isang ocular inspection ng pinakabago naming store ay napagpasyahan kong dumaan muna sa Dela Razza Empire. Medyo maluwag ang schedule ko ngayong araw at panghuling appointment ko na iyong ocular inspection kaya gusto kong silipin si Calix, pero kung busy ito ay di na ako magpapakita pa tulad nang dati kong ginagawa. Hindi na bago sa mga empleyado itong pabigla-bigla kong pagsulpot nitong mga nakaraan kaya wala na akong nakikitang pagtataka o gulat sa mga mata nila. Sadyang malakas lang ang presensiya ko at anak ako ng boss nila kaya di maiwasang napapatingin sila. "Good morning, Mrs. A, nasa opisina niya po si Mr. Dela Razza," nakangiting pagbibigay-alam sa'kin ng pamilyar na receptionist. Suot-suot nito ang uniform galing sa Airah's Collections kaya sig

