Ngayong araw kami bibisita ni Calix sa pamilya niya. Wala pa man ay di ko mapigilang mapangiwi habang inaalala kung ano iyong mga nakita ko roon no'ng huli kaming nagpunta. Pangit na lugar, mabaho, at marumi! Idagdag pa ang ang lasenggo sa tabi-tabi at madudungis na mga bata at mga taong parang 'di naliligo. "Calix, bakit kaya 'di natin ilipat ng bahay sina Nanay Veron?" suhestiyon ko kay Calix habang lulan kami ng sasakyan papunta sa kanila. "Bakit? Okay naman sila roon," sagot niya habang nasa pagmamaneho ang buong atensiyon. "Pero hindi okay sa'kin iyon!" prangka kong sabi. "Mayaman ako , Calix. Kaya kong bigyang bagong matitirhan ang pamilya mo." "Tama ka, kaya mo nga iyon," tumango-tango niyang tugon at sumulyap pa sa'kin bago bumalik sa daan ang atensiyon. "Pero pamilya ko s

