Chapter 10
Nagising ako na nasa puting silid na ko. Sa tingin ko nasa isa sa silid ako ng hospital. Nakasuot ako ng white gown at nakahiga sa hospital bed. Pagtingin ko sa gilid ng kama ko nakita ko doon si kuya Zach na natutulog. Mukha itong pagod at puyat.
“K-kuya Z-Zach...”tawag ko sa namamaos na boses.
Nakita ko naman na bahagyang kumunot ang noo niya at dahan-dahang minulat ang mga mata at ng magtama ang mata naming napabalikwas ito ng pagkakaupo.
"Z-ZOEY!?"nanlaki ang mata niya at mahigpit akong niyakap."Salamat sa Diyos gising kana!"he cried.
Ito ang unang beses na nakita kong umiyak si kuya Zach at ngayon ko lang napansin na namumula-mula ang mata ni kuya Zach at mukhang kagagaling lang sa pag-iyak at ngayon umiiyak nanaman.
"K-kuya Zach, asan si dad? Si mom? Nasan sila?” tanong ko at nagpalinga-linga sa silid pero wala ng tao doon bukod saamin ni kuya Zach.
Kuya Zach swallowed hard.
"Kuya Zach?"tawag ko dito ng hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig lang saakin.
“Tatawagin ko lang ang doctor, Zoey. Saglit lang.”akmang tatayo siya ng pigilan ko siya.
”Kuya si mama? Asan?”tanong ko.
“Ah kagigising mo lang, Zoey may gusto kabang kainin? Nagugutom ka ba? O baka nauuhaw ka?” tumayo siya at kinuha ang mineral bottle sa table at iniabot iyon saakin."Uminom ka muna."marahan siyang ngumiti saakin.
"S-salamat..."kinuha ko iyon at ininom."Asan ba si mama, kuya Zach? Anong nangyare? Ilang araw na ba ko sa hospital? Ang naaalala ko..."saglit akong natigilan.
Noong gabi ng birthday party ko ay kinidnap ako pagkatapos nagising ako na nasa isang madilim akong silid at iyong lalaki...b-binaril niya ko?
"Dalawang linggo bago ka namin nahanap pagkatapos mong mawala sa mismong birthday party mo. Nagkagulo ng gabi na iyon. Sinisi ni dad ang mga Corrins."pagkukuwento ni kuya Zach."Kasabay nun ang paglugi naman ng kompanya natin. Iniisip ni dad na ang mga Corrins ang may kagagawan noon dahil sila ang idinidiin ni dad sa pagkakawala mo. Iniisip ni dad na gumaganti sila. Masiyadong naging magulo at kumplikado ang lahat, Zoey. Pero kahit na ganoon hindi tumigil si Ely na tulungan kaming hanapin ka kahit ayaw ni dad at kahit na nagkakaroon na ng problema ang pamilya natin at ang pamilya niya. Noong natagpuan ka namin at nalaman ni mama na nabaril ka hindi na niya nakayanan...i-inatake sa puso si mama a-at h-hindi na s-siya n-nakaligtas w-wala...wala na si m-mama, Zoey."umiiling-iling na sabi ni kuya Zach.
Hindi ko aagd naproseso ang ibinalikta ni kuya Zach saakin natulala lang ako sakanya at ilang sandal pa ay may tumulong luha sa pisngi ko.
"A-ano? A-ano bang sinasabi mo diyan, kuya Zach? A-asan si mama? Please g-gusto ko siyang makita!"nagsimula na kong magwala. Hindi puwedeng wala na si mama. Hindi! Napahagulgol ako ng makita ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni kuya Zach. Mom is…gone?
Parang nanghihina akong kumalma at napatingin sa kawalan.
"Zach, anong nangyayare dito?"nagtatakang tanong ni dad at nang bumaling saakin ay nanlaki ang mata nito ng makitang gising na ako.”Zoey.”sambit niya.
“Papa asan si mama? Gusto ko siyang makita?"
Lumungkot ang mukha ni papa at napayuko.”Your mom...your mom is gone, Zoey."ani papa.
“Hindi! Hindi totoo yan! Please tell me she’s alive! Please!”sinubukan kong tumayo at tanggalin ang mga nakakabit saaking dextrose pero agad nila akong piniglan.
"ZOEY! WHAT ARE YOU DOING!?"niyakap ako ni papa para pigilan na saktan ko ang sarili at ang pagwawala ko at nilingon nito si kuya Zach.
"Zach, call the doctor!"utos ni papa kay kuya Zach at dali-dali naman itong lumabas ng silid ko.
"Papa hindi totoo 'yon diba? B-buhay pa si mama. Gusto ko siyang makita!"I cried.
"Ssh.."niyakap ako ni papa at hinagod ang likuran ko."Calm down, Zoey."marahang sambit niya.
"Pa, gusto ko lang makita si mama."
"Alam ko anak. Alam ko."he shushed me.
"Mr. Cadwell..."tawag ng doctor kay papa nang makapasok ito sa loob ng silid. Agad itong lumapit saakin at tinurukan ako ng kung ano at naramdaman ko naman ang panghihina at biglang pagkaantok.
"Papa...kuya Zach..I just want to see m-mom."tawag ko sakanila ng unti-unti na kong pumipikit at nawawalan ngb malay.
"Rest, Zoey." Dad caress my hair and kiss me on my forehead.”Rest please. Ayokong mawalan pa ko ng isa pang mahal ko sa buhay."bulong saakin ni papa.
Nang magising ako ay hiniling ko na sana isang masamang panaginip lang ang sinabi saakin ni kuya Zach pero hanggang sa madischarged ako sa hospital ay hindi ko nakita si mama. Ang sabi ni kuya Zach apat na araw akong walang malay sa hospital. At tumagal ako ng isang linggo doon bago nadischarged.
Pag-uwe ko sa mansion ay agad na sumalubong saakin ang malamig at tahimik na mansion. Wala si mama doon para salubungin ako. Hindi ko mapigilang mapaiyak at agad na pinahid ang luha sa pisngi ng dumating si kuya Zach bitbit ang mga gamit ko sa hospital.
"Are you okay, Zoey?"tanong ni kuya Zach na agad akong dinaluhan.
"Y-yeah..."tumango ako at pilit na ngumiti sakanya.
Hindi ko 'man lang nakita si mama bago siya ilibing. Pinagbawalan akong makita si mama ng doctor dahil hindi pa daw maganda ang kundisyon ko nun at hindi pa kaya ng katawan ko na tumanggap ng kahit na anong physical damage at emotional pain. Tumama kasi malapit sa puso ko ang bala. Hindi ko alam kung paano sa isang iglap nangyare ang lahat ng ito sa pamilya namin.
Mom is gone and now I can’t contact Elysian anymore.
Elysian where were you? I need you. I silently whispered, crying. Habang yakap-yakap ang unan ay walang ingay akong umiiyak habang ipinagluluksa ang pagkawala ni mama. I was so frustrated. I feel so tired and drained. Hindi ko matanggap na wala na si mama. Hindi ko matanggap na dahil sa pagkakidnapped ko kaya nangyare ang lahat ng ito. Kung hindi ako nakidnapped hindi magkakagulo ang pamilya ko at ang mga Corrins at hindi aatakihin si mama sa puso. It was me to blame. It was all my fault. Wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.
Siguro sa mga oras na ito pati ang mga Corrins ay galit saakin.