Chapter 12
Sinundan naman ako ni Sasha hanggang kuwarto ko at mukhang walang balak tantanan tungkol sa nalalapit na kaarawan ko. Wala ata siyang ibang planong gawin kundi ang kulitin ako tungkol doon buong araw.
“Come on, Zoey! That's your 18th birthday hindi puwedeng hindi natin icelebrate!”apila niya at naupo sa gilid ng kama ko.
“Sasha.” napabuntong hininga ako. Nakaraang buwan niya pa ko kinukulit tungkol sa birthday ko kahit na sinabi ko naman na na ayokong icelebrate iyon.
“Hindi naman ako nagcecelebrate ng birthday noong 14 hanggang 17 ako e. Ano ba naman iyong hindi din ako mag celebrate ng 18.”kibit-balikat na sagot ko. Umupo ako sa harap ng vanity mirror at kinuha ang brush pagkatapos sinuklayan ko ang buhok ko.
"Exactly! For a change!"tumayo siya at lumapit saaakin tsaka kinuha niya ang brush at siya na ang nagsuklay sa buhok ko. Pagkatapos ng lahat ng nangyare sa pamilya namin ay nabago ang relasyon ko kay Sasha. Noong mga panahon na kami lang nila kuya ang nagtutulungan at nagdadamayan I started to treat her like a real sister at nararamdaman ko din na ganoon siya saakin although hindi kami nakapag-usap about sa past treatment namin sa isa't isa pero pakiramdam ko ayos na kaming dalawa at hindi na naming kailangan pag-usapan pa ang tungkol doon. Hindi na siya nagiging b***h saakin...sa iba na lang.
"Atsaka debut mo 'yon. Finally legal age kana!"she clapped her hands, happily.
"Sasha, naman e. Atsaka tatlong linggo na lang ay birthday ko na. Wala ng oras para sa preperasyon."pagdadahilan ko naman.
"Leave it to me! Ako ng bahala doon. All you need to do is say yes and boom we'll give you the best party ever!"nangniningning sa excitement ang mga mata niya.
"Fine."nailing na pagpayag ko. I give up.
Napapalakpak siya."YES!"she exclaimed.
"So anong pinag-uusapan niyo girls? Mukhang masaya ka, Sasha, ah? Hmm...let me guess napapayag mo na si Zoey na magcelebrate ng 18th birthday niya?"nakangising tanong ni kuya Zach na pumasok sa kuwarto ko. Nakapang opisinang attire pa ito at kakauwe lang.
“Hindi talaga ako tatantanan ni Sasha e.”naiiling na sabi ko kay kuya Zach at yumakap dito.
Humalakhak naman si kuya Zach.”You know Sasha.”makahulugan nitong sabi saakin.
Napanguso naman si Sasha saaming dalawa ni kuya Zach.
"Anyway, movie marathon tayo? I bought ice cream on my way home."he wiggled his eyebrows.
"OMG!"sabay na tili namin ni Sasha at natawa ng magkatinginan kami. Saturday bukas at wala akong pasok.
Napailing naman si kuya Zach sa nagging reaction naming ni Sasha.
"Sige na bumaba na kayo. Susunod na din ako magbibihis muna ako."si kuya Zach at lumabas na ng kuwarto ko.
Nang makita ako ni Sasha na papunta sa kinatatayuan niya ay nakangisi niya kong sinalubong. Mukhang kinareer talaga nito ang paghahanda para sa birthday ko.
“So what do you think, huh?”she asked proudly habang inilalahad sa akin ang kabuuan ng venue kung saan gaganapin ang 18th birthday ko.
“Speechless?”she raised an eyebrow. Hinawakan niya ko sa braso at sinimulang itour sa kabuuan ng lugar.
Puro pastel colors ang makikita sa lugar dahil iyon ang tema ng debut ko. Hindi ko alam kung paano namanage lahat ni Sasha ang preperasyon para sa 18th birthday ko gayong kaka-oo ko lang naman kahapon. Siguro nga matagal na niya itong plinano. Si Sasha talaga...
“Anyway...isesend ko na ang invitation and if may gusto kang idagdag just tell it to me. By the way...here's the guest list.” she handed me the white papers.
Saglit ko lang pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat doon at hindi na din masiyadong nagfocus sa mga nakalagay na pangalan na imbitado sa party ko pagkatapos ay ibinalik ko iyon sakanya at tumango.
“Si dad ba uuwe for my birthday?” tanong ko sakanya.
Pagkatapos ng lahat ng nangyare dito kuya Zach and the rest of us suggested na pumunta sa ibang bansa si papa at doon na lang muna magstay para maging bago sa paningin niya ang mga paligid at ang mga makakasalamuha. Dahil kung mananatili siya dito alam kong hindi siya makakamove on...maybe he needs time. Kahit gaano katagal ibibigay namin for him to be okay again. At noong pumunta siya ng statges nalaman naming na may sakit pala siya kaya mas maganda na doon siya manatili ng matagal para makapagpagaling na din.
“Well sabi ni Zach uuwe daw si papa. Of course he won't miss this.” Aniya sabay kindat saakin.
Para akong malulula sa sobrang daming bisita na nakikita ko sa ibaba at mukhang ako na lang ang hinihintay para magsimula na ang party. Pagkatapos ng mahabang panahon ngayon na lang ulit nagkaroon ng party ang pamilyang Cadwell. Ang pamilya namin. I feel like this is the start…a new start for us. A fresh start. After all gusto ko na din makalimot at makapagsimula. Hindi puwedeng habang buhay kong sisisihin ang sarili ko sa nangyare sa pamilya naming at hindi puwedeng habang buhay akong matatakot.
“Are you ready?” nakangiting tanong ni Sasha saakin.
“K-kinakabahan ako...”pag-amin ko. I smiled nervously.
She chuckled.”Bakit ka naman kakabahan? Come on! It's your birthday!” hinila niya ko at ng magsimula na kaming bumaba sa grand staircase ay narinig ko ng inanunsyo ng host ang pangalan ko at lahat ng nasa party ay nasa akin na ang atensyon ngayon, nag-aabang sa pagbaba ko sa grand staircase. Para akong isang prinsesa sa tema na ginawa ni Sasha. Saglit pa kong natigilan ng huminto at hindi na sumabay saakin si Sasha sa pagbaba.
“This is your moment! Ayokong sapawan ka.”she said jokingly before wiggling her eyebrows, whispering to me.
I mouthed ‘Thank you” to her.
Napalunok ako bago nagpatuloy ulit sa paglalakad. Sobrang daming tao at halos hindi ko na mamukhaan ang mga imbitadong bisita dahil sa sobrang daming nila. Where did Sasha get these people? Silly.
“K-Kuya Zach?” gulat na sambit ko ng lumapit saakin si kuya Zach at inilahad ang kamay niya.
Agad ko naming tinanggap iyon ng nakangiti.“Happy birthday, Zoey!”he greeted me.
“Thank you.”
Halos mamangha ako sa ganda at organize ng party and it's all thanks to Sasha. She managed everything alone. All my blockmates are here. Even Kean is here. Hindi naputol ang connection naming ni Kean pagkatapos ng lahat ng nangyareng trahedya sa pamilya ko. I could say he’s one of the few people I trust. Nang magtama ang mata naming ay nginitian niya ako.
“At ngayon ang magbibigay naman ng message sa ating debutant celebrant walang iba kundi ang sister nitong si Sasha Cadwell.”tawag ng host kay Sasha. Nagpalakpakan ang lahat ng bisita ng umakyat si Sasha sa stage.
“H-Hi! I am so nervous!”she squeezed. Natawa naman ang mga bisita dahil doon.
”Today is my sister 18th birthday and I want this night for her to be unforgettable and magical. I hope you like it sister.”nilingon niya ako at nakangiti ko siyang tinanguan.”I also want us to start a new. Alam kong before hindi tayo magkasundong-magkasundo. But I hope you give me a chance to be a good and loving sister to you. Happy birthday, Zoey. I love you.”tila nahihiya siyang ngumuso at suminghot-singhot na para bang anumang oras ay maiiyak na.
“Oh no! Tell me you're not going to cry?”natatawang ani ni kuya Zach na nasa gilid ng table. Kaya imbis na maiyak na ng tuluyan si Sasha ay natawa na lang ito at napapailing na bumaba.
“Happy birthday, Zoey!”bati ni Sasha ng makalapit saakin. Tumayo ako at niyakap siya.”Thank you, Ate.”
Pagkatapos si kuya Zach naman ang tinawag sa stage.
“Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko.”he chuckled.”Nasabi ko na kasi lahat sa kapatid ko off stage. This will be short message baka maiyak pa ko kung mala MMK ang birthday message ko e.”biro nito kaya naman napuno ng tawanan ang paligid.
“Zoey,”binaling niya saakin ang atensyon. Ate Sasha is seating beside me.”Alam ko for the past five years madami na tayong pinagdaanan. You were kidn*pped, we lost mom and our company had fallen in bankcruptcy. But I’m glad we stayed…as a family. Masasabi ko na nagging matatag tayo at mas magiging matatag pa sa susunod na mga taon. Palagi mong tatandaan na andito lang palagi si kuya. Kaya sa mga nagbabalak manligaw sa kapatid ko ngayong eighteen na siya siguraduhin niyo lang na matigas na mga bungo niyo.”then he pointed out randomly.
Naiiling na nagsitwanan ang mga bisita.
“Kuya naman.”natatawang protesta ko.
“Asan si Kean?”hanap niya sa kaibigan ko.”Oy, Kean ikaw una ka sa listahan ko baka kala mo.”
I found Kean grinning while shooking his head.
“Anyway, that’s all. Mahal na mahal ka ni kuya, Zoey. Mahal na mahal ko kayo ni Sasha. You two are all I got.”pagkatapos ay ibinalik na niya sa host ng party ang microphone at bumaba na at naglakad patungo sa table namin.
“Happy birthday to you my princess.”hinalikan ni Kuya Zach ang likod ng palad ko.
“Thank you, kuya Zach.”I smiled at him.
Natigilan naman ako ng may nagsalita sa likuran ko.
“Happy birthday, anak.”