Chapter 7
Nang uwian ay si Elysian nga ang sumundo saakin sa Greenfields Academy and like the usual ay hindi nanaman maiiwasan na makaagaw kami ng pansin lalo na si Elysian na pinagtitinginan at pinagbubulungan lalo na ng mga kababaihan.
“Elysian! Dude! Akala namin hindi kana darating e.” he was welcomed by his group of friends.
Sinalubong kami ng isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad lang din ni Elysian. Bumaba ang tingin niya saakin maya-maya pa ay ngumiti.”May kasama ka pala.” bumaling na ang lalaki kay Elysian at nakipag-apir.
“Yes. I bring her with me.” Tumango si Elysian at iginiya na niya ako sa papasok sa loob.
“No problem, dude. Sayo naman ang party na 'to.” kibit-balikat na sabi ng lalaki.”Labas lang ako. Magsisigarilyo.”paalam nit okay Elysian.
Tumango si Elysian ditto at bumaling naman saakin ang lalaki.”Sige, Zoey. Enjoy ka sa party ni Elysian.”
“Thank you.”nahihiya kong sabi dito.
He gave me a half nod and went outside.
“That's Jude.” binukas ni Elysian ang glass door at bumungad saamin ang ingay sa loob.
Mukhang exclusive ang party dahil wala naman akong nakikitang ibang tao maliban sa grupo nila Kuya Ashen. Nang magawi ang tingin nito sa pintuan ay agad niya kaming nakita. Hindi na siya nagulat ng makitang kasama ako ni Elysian sa halip ay malapad itong ngumisi saamin tsaka naglakad papunta saamin para salubungin kami.
“Sinama mo pala si Zoey.”bungad nito ng tuluyan ng nakalapit saamin.”Hi. Zoey!”bati niya saakin at nginitian ko naman siya.
“Yeah. Where's Pierre?” tanong naman ni Elysian.
Nilingon ni Ashen ang kabuuan ng silid at muling ibinalik ang atensyon kay Elysian.”Andiyan lang iyon sa tabi-tabi, pakalat-kalat.”makahulugang sagot niya.
“Tss.”
Then we went to the table and was greeted by the rest.
“Andito na pala si Elysian e!” someone announced.”Ely, kanina ka pa naming hinihintay akala naming hindi ka na sisipot.”another guy grinned. Nakaschool uniform pa sila ng katulad kila Elysian kaya siguradong sa iisang school lang silang lahat.
Sa Hacres Harith nag-aaral sila Elysian. Ito ang pinakasikat na paaralan sa lugar namin. At ito din ang nangunguna pagdating sa quality ng edukasyon. Bukod sa maganda ang school at high tech ang Hacres Harith ay may school din na ganoon sa limang bansa sa buong mundo at hindi lahat nakakapasok sa prestiyosong paaralan.
Doon nag-aaral si kuya Zach. Hindi ko nga lang naitatanong kila Elysian kung nagkikita ba sila doon ni kuya?
“Zoey,”nakangiting bati ni kuya Park saakin.”Teka. Walang drinks dito para sayo ikukuha muna kita.”tumayo ito at nawala sa table.
Samantalang pinaupo naman ako ni Elysian sa couch at titig na titig ang halos lahat ng narito saamin----saakin. Maliban lamang kila Kuya Deyron at kuya Ashen.
“Bakit nagdala ka ng bulilit dito, Ely?” tanong ng isang babae. Batid kong ganon din ang tanong ng karamihan sakanila pero siya lang ang nangahas na magtanong.
Umupo sa tabi ko si Elysian at naiilang naman akong umurong. Mukhang walang balak si Elysian na sagutin ang tanong ng babae lalo na at ang atensyon nito ay nasa akin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin.
“Ely?” muling tawag nung babae.
Tinapunan siya ng tingin ni Elysian pero agad din nitong ibinalik saakin ang atensyon.”What do you want to eat?”tanong nito saakin. Hindi alintana ang tinginan ng ibang naririto.
“H-huh? Ayos lang. Hindi pa naman ako gutom.” sagot ko sa maliit na boses.
“Ely!” napapapadyak na tawag muli ng babae sa atensyon ni Elysian.
“Ano ka ba, Yas! Tigilan mo nga ang pag-iinarte diyan.”naiiling na sabi ng katabi niya na lalaki.
Inis na lumingon naman ang babae sa nagsalita.”I was just asking kung bakit kasama niya ang batang iyan!” sabi nito sabay turo saakin.
Nagulat ako ng tumayo si Elysian biglang parang nagkaroon ng tension sa loob. Medyo humina din ang music. At kita ko kung paano bahagyang napaatras at napalunok ang babae sa takot ng balingan siya ni Elysian.
Ashen laughed.”Sorry, Elysian. Dapat all boys lang kaso nagpumilit ang grupo nila Yas at hindi ko alam na kasama mo pala si Zoey.”paliwanag ni Ashen. Ngiting paumanhin ang ibinigay nito kay Elysian. Pero tila walang pake doon si Elysian.
“This is the last time you'll going to disrespect her in front of me.” malamig at tila nakakatakot na sabi ni Elysian. His jaw clenched.
“E-Ely, l-let me go. Nasasaktan ako.” parang maiiyak na sambit ng babae.
“Ah...lalabas muna kami ni Yas. Magpapahangin. Sorry, Elysian.”singit ng isa pang babae. Alanganin itong ngumiti kay Elysian at hinila si Yas palayo kay Elysian.
“Buti pa nga, Michelle.” sang-ayon ni Kuya Ashen.
Hindi nakaimik si Yas ng hilahin na siya palabas ni Michelle. Sumunod din ang isang babae na sa tingin ko ay kaibigan din nito. Naiwan na lamang ang grupo nila Ashen na puro lalaki.
“Pasensya kana dude. Hindi namin alam.”they all shooked their heads.
“Patay na patay kasi sayo si Yas. Hindi ka naman kasi nagkukuwento na meron kana palang...”sinadya nitong bitinin ang sinasabi at hindi na dinugtungan pa.
“Oh baka mapa walk-out ka din diyan, Calyante.” ngisi ni kuya Ashen.
Natawa lang ang lalaki sa sinabi ni kuya Ashen.
“What happened? Did I miss a scene?”tanong ng kadarating lang na si Jude.
Napatingin ang lahat sakanya.
“Asan sila Yas? Umuwi na?”nagtatakang tanong ng kadarating lang din na si kuya Park. May dala itong inumin at pagkain. Nang makalapit sa table ay inilapag nito sa harap ko ang dala.“Galing ka pa palang school. Siguradong hindi ka pa kumakain.”nakangiting sabi ni kuya Park saakin.
Tumango ako at ngumiti sakanya.”Salamat.”I smiled.
Tumango siya at bahagyang yumuko sa harap ko.”Anything for our princess.”he smiled.
“Kaya pala. Prinsesa pala ng Corrins.”nangingiti na sabi naman ni Jude. Naupo na ito sa katabing bakanteng upuan kay Calyante.
“Yow, Zoey! Sorry hindi ako nakapagpakilala sayo I'm Jude.” pakilala ni Jude. May piercing ito sa dila. He's wearing an all-black outfit. Gwapo ang lalaki na may pagkamaangas ang dating.
“Calyante.” nakangising pakilala naman ni Jude at kalauna'y mahina itong napatawa.”Pasensya kana kay Yas. Patay na patay kasi iyon kay Elysian.”naiiling nitong dagdag.
“Ayos lang.”tumango ko.
“Sa wakas nakilala ka na din namin. Ang isa kasi diyan hindi kami inimbitahan sa party niya.”parinig naman ng isang lalaki at nakatingin ito kay Elysian.”Simon nga pala, Zoey.”he smiled.
“Pinaganda pa. Si Pasimono 'yan, Zoey.” halakhak ni kuya Ashen.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Simon. Hindi nga kaaya-aya ang pangalan nito pero gwapo din naman ang lalaki. Nakasuot pa din ito ng uniform ng Hacres Harith.
“Shut up!”angil ni Simon kay kuya Ashen.
Ngumisi lang si kuya Ashen at nagbukas ng panibagong beer.
“Asan ba si Pierre? Bigla-bigla na lang nawawala ang isang iyon?”nailing na tanong ni Calyante.
“Wala namang bago doon.”natatawang sabi ni Kuya Park.
“Uy! Elysian, ganda ng relo mo ah.” komento ni Jude.
Sabay-sabay naman silang lahat na napatingin doon.
“Yeah.”proud na itinaas iyon ni Elysian at pinagyabang sa mga kaibigan.
Sabay naman na humalakhak sila kuya Park at kuya Ashen.
“Proud na proud.”komento naman ni Jude.”Napapaisip tuloy ako kung sinong nagregalo niyan sayo. Knowing you, Ely you are hard to please. The person who gave you that gift must be really important, huh.”
Elysian just smirked at him.
Madami pa silang pinagkuwentuhan na hindi naman ako makarelate. Pero hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang lalo na at maya-maya nagtatanong si Elysian kung ayos lang ba ako at palagi din niya akong inaasikaso. Hindi na bumalik ang grupo nila Yas at mukhang balewala lang naman iyong sa mga lalaki.
“Zoey! Andito ka pala.” nakangising sabi ni kuya Pierre na kadarating lang.
Gusot at lukot ang polo nito at may mantsa pa ng kulay pula ang kwelyo ng polo nito. Is that a lipstick stains?
“Sinong babae nanaman kaya ang nadale mo ngayon?” nakangising tanong ni Calyante. Napailing-iling naman si Jude at si Simon.
“I wonder what will be Rain's reaction if she find out.” seryosong sabi ni kuya Deyron na ngayon ay mukhang katatapos lamang sa librong binabasa. Inilapag niya ang libro sa lamesa at humarap kay kuya Pierre.
Agad na nawala ang naglalarong ngiti sa labi ni kuya Pierre at nalukot ang mukha tila hindi nagustuhan ang sinabi ni kuya Deyron.
Rain? Si Rain na andoon sa party ni Elysian?
“What the! As if she can control me. She's just an irritating kid, Deyron.” inis na sabi ni kuya Pierre. Inagaw nito ang hawak na beer ni kuya Ashen at inisang lagok iyon at ng maubos ay itinapon lang sa kung saan at muli itong kumuha sa bucket ng beer at binuksan iyon sabay tungga.
“O hinay-hinay lang. Si Elysian dapat ang malasing hindi ikaw Pierre.” halakhak ni kuya Ashen.
“Hindi ako iinom. Magdadrive pa ako mamaya.” aniya Elysian.
“Huh? What's new? E nagiinom ka naman kahit na magdadrive ka ah? Ang ingat mo naman ngayon?” tanong ni Calyante.
“Kasama niyan si Zoey. Takot lang niya mawala ang buhay niya.” si Ashen ang sumagot.
“Diba Zoey? Nabobored kana ba dito?”baling naman ngayon saakin ni kuya Ashen.
Umiling ako.
“Good. Don't worry mababait ang mga 'yan mukha lang hindi.” biro ni Ashen at sinegundahan naman nila iyon ng tawa.
“Oh, Elysian. Uminom ka kahit isa lang.”si Calyante iyon. Inabot niya kay Elysian ang beer pero hindi nito tinanggap iyon at umiling lang sa kaibigan.
“Sige na dude.”pamimilit pa ni Calyante. Nang mukhang wala pa ding balak tanggapin iyon ni Elysian ay binalingan ako nito.“Zoey, puwede bang uminom itong kaibigan namin? Isa lang naman.” paalam saakin ni Calyante.
“H-huh?” napatingin ako kay Elysian na para ngang nanghihingi din ng permisyo saakin.
Tumango ako.”Sige na. Party mo naman 'to.”pagkasabai ko nun ay doon pa lang tinanggap ni Elysian ang beer.
The rest chuckled.
“Commander!” kantyaw ni Calyante kay Elysian at kinindatan ako.
Napuno nanaman ng tawanan ang loob pero si Elysian parang walang pakealam doon. Tahimik lang ito habang katabi ako. Nakikinig lang sa usapan ng kaibigan niya.
“So Zoey...anong masasabi mo kay Elysian?”si Calyante.
“Huh?”
“Huwag mo ng isali sa kalokohan mo si Zoey, Calyante.”naiiling na sabi ni Simon.“Baka mabigwasan kana talaga ni Elysian.”dagdag pa nito.
Humalakhak si Calyante at hindi na umimik.”Pero Congrats dude.” cheers ni Calyante kay Elysian.
Ngumisi si Elysian.”Fucker.”
Pasado alas dose ng umuwi kami. Naiwan na lang doon sila Kuya Pierre, kuya Ashen, Jude, Calyante at si Simon at sinabing mag-iinom pa daw sila. Sila kuya Park at Deyron naman ay nauna na ding umuwi.