Chapter 2
Napahinto ako ng harangin ako ni Rose kasama ng mga kaibigan niya. Lumipat ako ng Greenfields Academy dahil sa ginawa ni Yuri saakin at dahil sarado na ang dating school ko pero ngayon si Rose naman ang problema ko sa bagong school na nilipatan ko.
“Andito na pala ang ampon ng mga Corrins e.” mataray na sabi ni Rose. Ahead siya saakin ng isang taon. Nilingon niya ang mga kaibigan niya at nagtawanan sila tsaka pinalibutan nila ako.
“Rose,”I sighed.
Nahawi ang kumpulan at nagsitabihan ang mga kaibigan ni Rose ng dumating sila Ishelle Corrins.
“Ginugulo ka ba ng mga hampas lupa na 'to?”mataray na tanong ni Selene Corrins. Tinuro niya pa isa-isa ang grupo ni Rose na bahagyang napaatras sa gulat dahil sa ginawa niya.
“Ah...”tumingin sa pambisig na orasan niya si Gretta Corrins ang kakambal ni Selene.”By now you should all get lost.”walang buhay na sabi niya sa mga ito at nilampasan ng tingin si Rose.
Dahil sa pagtataka napatingin din kami sa likuran nila Rose at nakita namin ang limang lalaki na naglalakad patungo sa direksyon namin.
De javu.
“What's happening here girls?” tanong agad ni Ashen ng makalapit sila saamin at agad na inakbayan si Selene pagkatapos ay nagtatanong na lumingon saamin.
“Nothing, kuya Ashen. It's just a girl thing.”sagot naman ni Ishelle sabay kindat saakin.
“Yeah Ishelle is right, kuya Ashen it's something that only girls can handle.” nakangising sabi naman ni Selene samantalang si Gretta ay napailing na lang sa dalawa.
Dalawang linggo palang ako dito at naging kaclose ko na agad ang magpipinsan na sila Ishelle. Kung mayroong Corrins Cousins meron ding Sisters Corrins at iyon sila Ishelle, Selene at Gretta. They are really nice to me. Sila lang din ang madalas na kasama ko dito sa Greenfields Academy at kasundo ko. Halos magkakaedad lang kaming apat.
“Zoey,” agad akong napalingon kay kuya Elysian ng tawagin niya ko. Napatuwid pa ako sa pagkakatayo.
“Are you okay?” he asked...a little bit distant.
Maagap akong tumango.”Opo kuy...” napalunok ako.”I mean Elysian. Sorry.”agap ko at napaiwas ng tingin dito.
Simula ng magtransfer ako sa Greenfields Academy ay doon na din ako sa mansion ng Corrins tumuloy. Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi ni mama balang araw daw ay malalaman ko rin ang dahilan. At isa pa...si kuya Elysian...I mean si Elysian ay pinagbawalan na kong tawagin siyang kuya at hindi ko maintindihan kung bakit? Gustuhin ko 'mang magtanong pero natatakot naman akong kausapin siya. Para kasing lalapain nito ang kahit sinong hindi susunod sa gusto niya. Sa mansion ng mga Corrins ay para siyang isang hari kung umasta. Kahit sa labas ng mansion ng Corrins ang asta nito ay walang pinagbago.
“Zoey.”muntik na kong mapatalon sa gulat ng muli niya kong tawagin.
Napalingon ako sakanya at napakurap-kurap.
“S-sorry, Elysian.” I gulped.
Seryoso ang tingin niya saakin at hindi ko mawari kung galit ba siya o...
Maya-maya pa ay kinuha niya ang bag ko at siya ang nagbitbit nun pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at tinangay na paalis. Tsaka ko lang napansin na kami na lang pala ang nandoon at nawala na ang iba.
Sa harap ng gate ng Greenfields Academy nakaparada doon ang limang sports car. Ang kulay puting sports car ay kay kuya Park. Ang kulay gray naman ay kay Pierre. Ang kulay silver naman na sasakyan ay kay kuya Deyron. Ang kulay itim naman ay kay kuya Ashen. At ang huling sasakyan na kulay pula ay kay Elysian at doon kaming dalawa sumakay.
“How's your day?” tanong niya habang nagmamaneho. Diretso ang tingin niya sa daan at napakaseryoso. Ganoon naman lagi ang expression niya kaya naman nasanay na ako at kahit papaano ay hindi na naiilang sa presensya niya.
“Ayos lang naman. Medyo nakakapagod dahil transfery ako madami akong hahabulin na lesson pero mabuti na lang at tinutulungan ako nila Ishelle.”sagot ko at tumingin sa bintana.
Bigla kong naalala ang party ni Kean kung saan pati ako ay inimbitahan nito. Ayoko sanang sumama pero nahihiya akong tanggihan ang lalaki lalo na at mabait ito saakin. At isa pa wala akong masiyadong kaibigan doon at gusto ko sanang magkaroon ng mga kaibigan sa bago kong school. And attending Kean's party I feel like is the start for me.
“Elysian...” tawag ko sa atensyon niya.”Magpapaalam sana ako kung puwede akong lumabas sa sabado?” kinakabahan kong paalam sakanya.
Huminto ang sasakyan at nilingon niya ako.
“Where are you going?” he asked seriously.
Sa klase ng tono ng pananalita niy ay parang umurong ang dila ko.
“Ah...hindi na lang.” napalunok ako at napailing. “Kalimutan mo na lang iyon.”pigil hininga kong bawi sa sinabi sakanya.
“Zoey,” tila nagwawarning ang tono niya saakin.
Napangiwi naman ako.”Ano kasi...inimbitahan kasi ako ng kaklase ko sa isang party. Nahihiya akong tumanggi kaya naman...” I trailed off.
“It's fine.”tumango siya. “Go and make new friends, Zoey.” he said, nodding his head.
Gulat ko siyang tinignan at tila di makapaniwala na pumayag siya.
“T-talaga!?”
He nodded at me.
“Okay. Thank you! Sasabihin ko na lang bukas kay Kean na pinayagan mo ko.”I smiled at him happily.
“Who's Kean?” kunot-noo niyang tanong.
“Iyong may birthday?”patanong na sagot ko.
“He's a guy.” his jaw clenched.
“Oo.” medyo nalito naman ako sa sinabi niya. He was like he’s bothered about it.
Ilang beses ko siyang nakitang nagbuntong hininga bago tumango saakin. Nang makarating kami sa mansion ng Corrins ay muli niya kong kinausap patungkol doon.
“Saan siya magcecelebrate?”
Napalingon ako sakanya. Papasok na kasi sana ako sa loob pero napahinto ako dahil sa tanong niya.
“Ang sabi niya sa isa daw bagong bukas na bar?” hindi siguradong sagot ko. Nakalimutan kong tanungin kung saan iyon. Siguro ay itetext ko na lang si Kean mamaya. Nagpalitan naman kami ng number kanina, ayoko sanang ibigay ang number ko pero hindi niya ako tinantanan kanina kaya sa huli ay napapayag na din ako na ibigay sakanya ang number ko.
Tumango siya at hindi na umimik pa pagkatapos ay nauna ng pumasok sa loob. Ako naman ay naiwan na nagtataka sa ikinilos niya.