Chapter 34 “Sera looks really different now, Elysian. Parang hindi siya iyong Sera na nakilala natin noon. Minsan ay naninibago pa din ako sakanya. But I’m glad that she change and that she’s happy with Jude.” I told Elysian pagkatapos kong maikuwento na nakasalubong naming si Sera sa mall at sinamahan naming itong bumili ng regalo para sa asawa. “Jude handle Sera very well.”iyon lang ang naging komento ni Elysian at itinuon na saakin ang buong atensyon.”Sunduin natin ang mga bata ng magkasama. And let’s eat dinner outside?” “Sige.” Nang mag-alas kuwatro na ay umalis na kami ng office ni Elysian para sunduin ang mga bata. Malayo palang ay tanaw ko na sila Eosell at Ezeyll na naglalakad. “Ma! Pa!” Ezeyll shouted when he spotted us. Agad siyang tumakbo palapit saakin at yumakap saakin.

