Hindi alam ni Kassel kung saan sila patungo ng kaniyang amo. Hindi na ito nagtanong dahil baka ihulog pa siya nito sa kalsada. Ramdam niya kasi ang galit na awra ng kaniyang boss kaya’t minabuti na lamang nitong manahimik. Ang daloy ng trapiko ay mabagal. Tahimik ang dalawa sa sasakyan ngunit hindi na makayanan ni Andrey ang katahimikan ay nagsalita ito. “We are going to a party on Thursday.” malumanay nitong saad ngunit ramdam ang tensyon sa boses nito. Hindi sumagot si Kassel sa kaniya bagkus nakaharap lamang ito sa bintana. Kumunot ang noo ni Andrey sa hindi pagsagot ng dalaga. Tinanggal nito ang seatbelt at lumapit sa kinauupuan nito at kinalablit. Napabalikwas naman si Kassel sa inasal ng kaniyang amo. “A-Ano? May sunog ba?” matabang nitong tanong. “Istorbo, natutulog ang tao, e.”

