Chapter 3

1358 Words
Maaga akong nagising para maghanap ng trabaho. Naglalakad na ako ngayon para makasakay ng jeep sa may kanto. Ramdam ko ang gutom dahil hindi ako kumain kagabi sa kadahilanang tinitipid ko ang naipon kong pera sa dati kong trabaho. Kapag talaga nakahanap ako nang magandang trabaho unang bibilhin ko ay kotse pero malabong mangyari ang pangarap kong iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay mabuti na lamang at nakasakay na ako ng jeep. Maaga pa lang ay traffic na kaya’t napilitan akong bumaba sa sasakyan. Naglakad-lakad na lamang ako at nakita ko ang isang malaking corporation na naghahanap sila ng aplikante, agad akong lumapit doon sa lugar at tinanong ang guard. “Kuya? Hiring po ba ang kumpanyang ito?” tanong ko sa guard. “Ay hindi siguro hija. Nabasa mo naman ang karatula hindi ba?” pamimilosopo ni manong. Aba! Huwag niya akong inisin baka matiris ko siya. Gutom pa man din ako. Pinanliitan ko nang tingin si kuyang guard. “Bawal ba magtanong? Naninigurado lang, e.” pabalang kong sagot. “Hindi naman bawal. O siya mag-aapply ka ba hija?” “Hindi rin manong. Kakain ako siguro sa loob. Malamang mag-aapply po kung may bakante.” “Pumasok ka na hija. Jusko! Mahabagin! Bakit ba may mga taong pilosopo kaya’t nadadamay rin ako sa kalokohan nila.” sambit nito. Ngumiti ako sa kaniya at pumasok sa loob. Disente naman ang ayos ko ngayon kahit naka-salamin ako. Hindi naman ako masyadong mukhang manang. Nagtanong ako kung saan ang HR office sa may reception at itinuro naman ito sa akin agad. Nagpasalamat na lang ako at nagtungo sa naturang opisina. Ipinasa ko ang aking resume dahil lima kaming nakapila. Ako ang panghuli kaya’t inayos ko na muna ang aking sarili. Pagkatapos ng apat ay tsaka ako ang natawag. “Ms. Salvatore, maaari na kayong pumasok.” pagtawag sa akin ng isang magandang binibini na sa tingin ko’y nasa dalawamput walo. Pumasok ako at nginitian ko ang binibini. Napahugot ako ng malalim na paghinga at nagsimula na ang interview. “According to your background in education, your 4th-year college and this is your last sem.” tanong ng Manager siguro iyon. Magtatanong pa, e. Iyon nga ang nakalagay sa record ko. Amp! “Ah opo. Nawalan kasi ako ng trabaho dahil hindi ko sinasadyang mabunggo ang isang ma-attitude na lalaki sa pinagtratrabahuan ko.” sagot ko. “Oh? You must be self supporting?” napaka-obvious ng tanong. “Obvious naman po na nakalagay sa resume ko na patay na ang magulang ko.” pabalang kong sagot. Napatakip ako sa aking bibig at nanlaki ang aking mata sa aking nasabi. Taimtim kung kinukutusan ang sarili sa akiing utak na dapat ay hindi ko ginawa iyon. “P-Pasensya na po. Nadala lang po ako. Obvious naman na po kasi sa resume ko.” paumanhin ko. “No, it’s okay. I like your personality. Bakit hindi mo tanggalin ang salamin mo, hija? You look good naman.” saad ng isang ginang. Nahiya naman ako dahil hindi ko alam kung compliment ba iyon o pang-iinsulto. “Bakit sa trabaho po ba ay mukha ang basehan?” hindi ko mapigilang itanong. “Hindi naman, hija.” sagot ulit ng ginang. “Ano po ba ang magiging trabaho ko kapag natanggap ako?” kapagkuwan ay tanong ko. “Ang maging sekretarya ng aming ma-attitude na boss, Miss Salvatore.” sagot ng Manager. Napaawang ang aking bibig. Tiyak kong nandito ang hinahanap ko. Tadhana nga naman. “Anyway, you are hired now. I think nakita ko na ang katapat ng boss namin. Ang mga unang naging aplikante kanina ay mukhang malandi na halos kita na ang kanilang kaluluwa hindi gaya sa iyo na disente ang itsura.” Nginitian ko ang manager. “Thank you. Kailan po ako pwede magsimula?” “Sa susunod na linggo ka pa kailangan ng boss namin. Kaya dapat maaga ang iyong pagdating.” “Paano po pala ang pag-aaral ko?” pag-aalinlangan ko. “You can change your schedule or pwede ka namang mag-aral na nagtratrabaho. Tutal ay nasa huling semester ka naman na.” Okay, sir. I can always do my studies here in the office if I have time to do it. Wala naman na po kaming projects at naghihintay na lang kami ng exam.” sagot ko. “But hindi ako sigurado kung hired ka na talaga kasi kailangan ka pang ma-interview ng boss namin ngayon. Halika at sasamahan kita.” saad ng Manager. Lumabas kami sa HR at sumakay sa elevator. “Ang boss namin ay ma-attitude dahil mag-isa na lamang siya sa buhay. Kaya ganoon kagaspang ang ugali niya.”   “Bakit niyo po sinasabi sa akin? Wala naman po akong magagawa kung masyado siyang attitude. It’s not my problem anymore, sir.” usal ko. Tumawa siya nang kaunti at saktong nagbukas naman ang elevator. “Narito na tayo,” maikling sambit nito. “Oo nga po. Wala naman po kasi tayo doon.” pamimilosopo ko. Tumingin ito sa akin bago tumawa. Kumatok naman siya sa isang enggrandeng pintuan bago ito binuksan. “Nandito na po ang aplikante, boss.” “Oh? E kung nandiyan bakit hindi mo papasukin?” rinig kong pabalang na sagot nito. Tama nga sila. Attitude nga ang magiging boss ko. “Pumasok ka na, Miss Salvatore.” utos nito. Pumasok naman ako at namangha sa ganda ng opisina. The office is comfortable enough because of its ambiance. “Good morning, sir.” bati ko sa lalaking nakatalikod. Nakaupo kasi ito sa swivel chair niya. I greeted him with full confidence pero deep inside kinakabahan ako. Umikot ang kaniyang upuan paharap sa akin. I was speechless kasi ang gwapo niya pero pamilyar siya sa akin. Did we met before?   “Done checking me out? Kung nandito ka lang para tignan ang gwapo kong mukha, makakalayas ka na.” Aba! Antipatikong lalaki ito. Akala naman niya sobrang gwapo niya! “Wala na palang maganda sa umaga, may mahangin kasi.” pamimilosopo ko. Tinaasan niya ako ng kilay. “O, tinangay ka ba?” Inirapan ko siya. “Hindi. Bakit naman ako magpapatangay sa antipatikong lalaki?” “Look who's talking, you just drop your jaw when you saw me.” panunuya nito. Sinamaan ko siya nang tingin. “Akala mo gwapo ka na niyan?” Mas kumunot ang kaniyang noo. Oh? Ang ego nga naman ng mga lalaki. “Yes. And your the only one who said that I am not.” giit niya. Pinanliitan ko siya nang mata. “O talaga? Sinabi ko iyon?” Akala ko ba interview bakit nagbabangayan kami nito? Pinagloloko lang yata ako ng mokong. “Why are you here anyway?” kapagkuwan ay seryosong tanong niya. “Bingi ka ba? Hindi mo narinig ang sinabi nang Manager? Aplikante mo nga ako at iinterview-hin mo ako.” pabalang kong sagot. He smirked. “Why do I need to hire you?” kapagkuwan ay tanong nito. Hindi ako nakasagot. “Are you gonna answer my question o lalabas ka ng building na ito Miss?”saad nito sa malamig na tono. “Y-You need to hire me sir because I'm capable of the position you are offering.” magalang kong sagot. “Are you capable of the position? Hindi ka pa tapos sa pag-aaral, according dito sa resume mo.” saad niya habang tinitignan ang resume ko at sumandal sa swivel chair niya. “Of course, sir. Mag-a-apply po ba ako kung hindi ako fit sa position na hinahanap niyo. I mean kahit hindi pa ako tapos sa pag-aaral, I can do it without hesitation.”  Napangisi na naman ito sa akin. “Okay, we'll call you.” Tanggap na ako sa HR tapos tatawagan pa ako nito? Ano lang ang ipinunta ko rito? Nagpagutom at nagpagod lang? “Kung ayaw niyo sir, huwag na lang. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho. Sayang naman po ang effort ko kung tatawagan niyo na lang ulit ako. Salamat na lang po! Goodbye sir, have a nice day!” sagot ko sa kaniya. Naglakad na ako patungo sa pinto ngunit napatigil ako sa biglaan niyang pagsasalita.  “You're hired!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD