It was cold and dark outside the rest house. Medyo ginabi kami ngayon ng uwi dahil nagliwaliw pa kami sa may plaza. Miss ko na ang aking magulang ngunit hindi ko pa kayang umuwi ng Maynila. Wala na rin dito ngayon si Greg dahil lumipad siya pabalik ng Maynila. Nakaharap ako sa aking veranda at tinatanaw ang kalangitan. Dalawang buwan na lang ay manganganak na ako. Balak kong bumalik ng Maynila pero hindi ako sigurado kung kaya ko pang harapin si Andrey ngayon. I know and I’m sure, he knows my whereabouts already. Hinahaplos ko ang aking tiyan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. “Anak, patawarin mo si mama kung hindi ka niya mabigyan ng buong pamilya. Galit lang ngayon si mama kay papa pero hahanapin natin siya pagdating ng tamang oras,” sambit ko at nakaramdam naman ako n

