Tatlong araw na ang lumipas buhat nang maging busy kami ni boss. Hindi ko na siya kinausap nang pabalang pero minsan nandoon pa rin ang sarkasmo sa aking boses. Natural sa akin ang pagka-mataray pero kailangan ko pa rin siyang i-respeto. “Girls night out tayo later? Sahod day ngayon!” mahinang tili nito Nikka. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko kay Ruzzel na may lakad kami ngayon ng mga katrabaho ko. Baka ayaw niya akong payagan dahil sa bar kami pupunta at baka magalit pa siya sa akin. Byernes kasi ngayon at sahod day namin. Dahil wala naman akong gagawin sa apartment ko at ma-bo-bored lang ako doon nagpasya akong sumama para na rin marelax. Susubukan ko na lang magpaalam sa amo kong abnormal. Sa umaga normal lang akong empleyado ni Andrey, iyon ang usapan namin. “Okay! May dami

