FLORA'S POV:
My eyes hurt as the sun's rays touched my face when I woke up in a strange large room. Nang masanay ang aking mga mata sa liwanag ay inikot ko ang aking mga mata sa magarang silid na aking kinaroroonan. At napansin ang intravenous fluid o sa karaniwang tawag na IV fluid at ang nasogastic tube o ngt sa aking gilid, tinulay ko ang dalawang tubing at napansing sa akin nga nakakonekta ang mga iyon na ikinapagtaka ko.
Ang huling natatandaan ko ay nakahiga ako sa kama sa aking silid. Ngayon ay nalilito ako kung bakit ako narito sa silid na ito.
Did something happen to me? Did I pass out?
Ang buong paligid ng silid ay napakaaliwalas tingnan dahil sa puti nitong disenyo, mula sa dingding, bintana hanggang sa mga kasangkapan ay purong puti ang mga iyon. Pati na ang kurtinang isinasayaw ng hangin ay puti rin and even the bed I'm lying on.
Marahan akong bumangon at sumandal sa headboard, saka itinaas ang kaliwang kamay kung saan nakatusok ang IV fluid.
Marahan kong tinanggal ang needle sa aking palapulsuhan at nang matanggal iyon ay isinunod ko naman ang nakakabit na tubing sa aking ilong, na halos ikaluha ko matapos mahila ng buo iyon. Ipinilig ko pa ang aking ulo sa iritasyon at medyo pinindot-pindot ang aking ilong nang makaramdam ng konting kirot sa pagtanggal.
D*mn it! Sino ba ang gumawa nito sa akin? Kung narito lang si Lola at nakita akong ganito na naman ay tiyak na pagagalitan niya ako.
Sa tuwing nakakaramdama ako ng lungkot ay hindi ko maiwasang gawin ang bagay na iyon, kahit na alam ko naman ang magiging resulta ay ginagawa ko pa rin.
Nang maramdaman na okay na ako ay saka ako bumaba ng kama.
I tiptoed as I felt the cold tiles on my feet. Muntikan pa nga akong mabuwal, kung hindi lang ako napakapit sa canopy post ng bed ay baka tuluyan na akong natumba.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa magandang klima na aking tanaw mula sa tranparent na sliding door.
Shìt! Gaano ba karami ang nainom ko? At ilang araw na kaya akong ganito?
Nang makakuha ng tamang lakas na ay unti-unti akong naglakad patungo sa balcony at agaran na binuksan ang sliding door.
Sumilip ako mula sa balcony na aking kinatatayuan upang masilip ang labas at namangha sa nakita.
Tanaw na tanaw ko ang napakagandang landscape ng mala spanish na hardin at ang asul na asul na swimming pool pati na ang malawak na lupain na para bang nasa isang hacienda ako.
Sa 'di kalayuan naman ay natatanaw ko ang rancho. At ang mga hayop na nakakalat roon, na bahagya kong ikinangiti.
Naalala ko ang rancho ni Lola Celeste, ang lugar kung saan ako nakahanap ng tunay na pamilya. Ang lugar kung saan ako nakatapos ng aking pag-aaral.
Sa sobrang tuwa ko ay naisipan kong lumabas ng silid. Ngunit hindi pa man ako nakakalabas ng balcony nang maalala na hindi pa pala ako naliligo at malamang ay puro punas lamang ang nararanasan ng aking katawan habang nakaratay sa kama.
Nang masilip ko ang kalendaryo ay lalo akong napailing nang makitang halos isang linggo na pala akong malay. Tsk!
Tinampal-tampal ko ang aking pisngi at bumuntong hininga ng malalim.
Medyo nilalamig ako, kaya nagdadalawang isip ako kung maliligo muna ako bago lumabas. Pero naisip ko rin na baka may heater sa loob ng cr, hindi naman kasi imposible iyon sa mayaman. At halata sa lugar na ito na merong gano'n.
Inamoy ko muna ang aking sarili tapos ay ipinilig ang aking ulo. Saka pumihit sa direksyon sa may pinto, na nakatitiyak ko na cr.
Binilisan ko ang hakbang at pinihit ang seradura nang makalapit ako. Namangha pa ako nang makitang isa iyong malaking walk-in closet at sa dulo ay naroon ang de-salamin na shower at bathtub, na halatanag pang mayaman.
Kung ang silid ko kila Lola Celeste ay maganda na at malaki, ito namang silid dito ay napakamaranya't napaka-elegante, na para bang mahihiya kang tumapak sa sobrang kintab ng mga tiles na animoy kumikinang pa sa linis. Kung hindi lang ako nakaramdam ng hapdi kanina nang tanggalin ko ang swero ko ay baka iisipin ko na namatay na ako. Purong puti ba naman ang nakikita ko, na para bang nasa langit na ako.
Dumeretso ako sa shower para makaligo na. At hindi nga ako nagkamali na may heater nga ang shower, kaya nang maligo ako ay sumarap ang pakiramdam ko sa maligamgam na tubig na dumaloy sa aking balat.
Nang matapos ay saka ko lang naalala na wala nga pala akong dalang towel, but I don't mind.
Naglakad ako nang nakahubad at dumeretso sa mga nakahanay na damit sa closet, hindi alintana ang basang katawan at ang pagtulo ng tubig sa sahig na nanggagaling sa aking basang buhok.
"So, you're awake?" Ani ng isang baritonong boses na agad kong ikinalingon.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ang lalaki na hindi ko inaasahang makita. He was topless at nakasuot lamang ng gray na pajama.
"O-Orion," nauutal kong sambit sa pangalan niya.
Sh*t! Ilang beses akong napalunok habang tinititigan ang matipuno niyang katawan, na tila ba kay tagal kong hindi nasilayan iyon. Bigla ay parang gusto kong lumapit at yumakap sa kanya nang mahigpit, pero nangingibabaw ang panghihina ng aking sistema't bahagyang nanghina ang aking tuhod habang nakatitig sa gwapo niyang mukha.
I licked my lips while looking at his chest and abs. Para akong naduduling sa magandang katawan niya, lalo na nang lumapit pa siya sa akin.
Kung noong 17 ay matangkad na siya, ngayon ay mas lalo siyang tumangkad at mas lalong naging matipuno ang katawan. Parang kay sarap tuloy himasin ng braso niyang mamasel.
Mabuti na lang ay tumangkad din ako, kaya nang mas lumapit siya ay hindi ako gaanong tumingala.
Ngunit nang maalala kung anong nangyari noong huli naming pagkikita ay bigla ang pagbangon ng aking galit.
"Why am I here?" masungit kong tanong sa kanya, pilit pinapatatag ang sarili.
Bakit kailangang niya pa akong kuhanin, na pwede naman ako sa ospital na manatili. Hindi niya naman ako kaano-ano para dalhin niya pa rito.
"Dinala kita rito para maalagaan ka ng maige," aniya, habang titig na titig sa aking katawan.
Doon ko lang naalala na wala pa nga pala akong saplot, pero imbes na mahiya ay tumaas lang ang aking kilay.
Nang humarap ako sa closet ay nagngitngit ang aking kalooban nang muling makita ang mga magagandang damit na nakasalansan.
"You don't have to to that, wala namang tayo! Hindi ikaw ang guardian ko! Bakit mo ako dinala rito?" mariin kong tanong, habang pumipili ng damit.
Sa girlfriend niya ba ito?
Tss! Ang swerte niyang lintek siya!
"Sa girlfriend mo ba ang mga ito?" Hindi ko na natiiis itanong sa sobrang pagkakuryoso ko.
I grabbed a red bikini at agaran iyong isinuot. Mukha naman bago kaya wala na akong pakialam kung pagmamay-ari nga iyon ng girlfriend niya. Ang mahalaga ay may maisuot ako. Gusto ko na lang makaalis sa lugar na ito.
Kapag tumagal pa ako rito ay baka magkasala lang ako.
"You can say that. Sino pa bang magmamaya-ari niyan?" pabalik na tanong niya sa akin, na lalo kong ikinangitngit sa inis.
Shìt ka, Orion! Tangìna ka talaga!
Why does he have to be honest? Pwede naman kasing magsinungaling sa akin para naman hindi masyadong masakit! Katulad ng mga lalaking nagsisinungaling sa mga jowa nila, makabola lang ng babae.
Fvck shìt talaga! Wala man lang preno ang bibig ng hinayupak na 'to! Gustong-gusto talaga akong saktan, e.
Ramdam ko ang pamumuo ng aking luha sa aking mga mata kaya agad akong tumalikod sa kanya at pinunasan iyon para hindi niya na makita pa.
D*mn! Sa sobrang inis ko ay nagmamadali kong hinablot ang pulang bra at akmang isisuot iyon, pero nahawakan niya na ang magkabilaang beywang ko, that made me starled.
Nakakabwiset! Ang sarap niya sampalin, pero sa paraan ng paghaplos niya sa aking beywang, pakiramdam ko ay lalagnatin ako.
Nang himas-himasin niya pa iyon ay napatitig na ako sa mga mata niyang kanina pa pala nakatitig sa akin.
At nang halikan niya ako ay hindi ako nakapalag. Agad akong nagpaubaya, sabay nang pagpikit at pagdama ng dila niyang mainit na pumasok sa loob ng aking bibig.
Just like before, kung gaano kabilis humupa ng galit ko ay ganoon din naman kabilis ang puso ko na bumigay sa kanya.
Napaliyad ako nang haplos-haplusin niya ang aking balakang, sabay nang nakakakiliti niyang halik sa aking leeg, pababa ng aking dibdib.
Agad na kumawala sa aking bibig ang mumunting ungol, na kahit anong impit kong pigil ay lumabas pa rin.
Lalo na nang dilaan niya ang mamasa-masa kong balikat, na lalong ikinawala ng aking katinuan.
"Ooohhh... Orion..."
Nang hinimas niya ang matatayog kong mga bundok ay napakagat ako sa aking labi.
"Dàmn you, Orion!" sambit ko, bago mabilis na niyakap siya't pwersahan siyang isinandal sa nakasaradong closet.
My name is Flora Eirene Dimagiba, 20 years old. And I'm the dominant seductress who owns his every desire, the one he'll never forget.