Masayang nagyakapan ang triplets nang mabasa namin ang headline ng dyaryo. Nakabalita kasi doon ang buong ulat tungkol sa pagkapanalo ni Duke Cailen sa naging pagharap nila sa buong pwersa ng palasyo. Dahil dito ay malakas na napabuga ako ng malalim ng hininga. Unting unti na napakalma ako na malaman na hindi nagtagumpay ang palasyo na madakip si Duke Cailen. Ibig sabihin ay ligtas sa mga oras na ito ang aking kasintahan. "Kyaaah! Nanalo sila!" masayang sigaw ni Vina habang nagtutumalon sa saya, "Kapag nagpatuloy ito ay matatapos na rin ang labanan!" "Oo nga! Kailangan natin gumawa ng malaking selebrasyon!" masayang komento naman ni Minda. Agarang piningot ni Luz ang mga tenga nina Vina at Minda para pigilan sila sa binabalak. "Tumigil nga kayo! Baka mamaya ay ma-jinx niyo pa ang tagu

