Naging usap-usapan ngayon sa buong kaharian ang biglang pag-urong ng hukbo ni Duke Cailen laban sa pwersa ng hari. Ang kumakalat pang balita sa dahilan ng pangyayaring ito ay tumatakas ngayon ang duke dahil sa nakatamo ito ng malubhang pinsala mula sa walang tigil na kanilang labanan. Kaya ang buong akala ng lahat ay kumukuha lamang ang duke ng pagkakataon para mapagaling ang sarili bago ituloy muli ang masamang balakin laban sa palasyo. Pero dahil sa kumakalat na maling balitang ito ay nagsimula na magsaya ang mga tao na sumusuporta sa palasyo. Ang akala talaga nila ay nagtagumpay ang hari na talunin ang kinatatakutang duke. Kaya agaran sila naglapitan sa hari para purihin siya sa kanyang tagumpay. Subalit kabaliktaran nito ang pakiramdam ng mga silver knight na nagpakahirap na kalab

