DRAFT 70

2389 Words

Malakas na kumabog ang puso ko nang makita ang magandang sulat kamay ng duke. Saglit na iniwas ko pa ang tingin doon at nanginginig ang kamay ko na inilayo ito. Handa na ba talaga ako na basahin ito? Handa na ba ako malaman ang anumang dahilan na ibibigay niya sa akin? Ngunit naalala ko ang pamimiliang solusyon na ibinigay sa akin ni Gerda. Patawarin o maghiganti. Kung patatawarin ko ang duke ay ito ang pinakamabilis na paraan. Pero hindi naman ganoong kadali na gawin ang magpatawad. Dahil kahit sabihin ko na pinapatawad ko siya pero hindi naman bokal sa loob ko ay balewala rin ang solusyon na iyon. Dinama ko ang tapat ng aking puso. Kaya ko bang patawarin ang duke pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin? Kaya ko ba na bigyan siya ng isa pang pagkakataon? Kung maghihiganti naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD