Nang mahuli ang buong hukbo ni Duke Cailen ay nagsimula na magsaya ang mga kawal sa kanilang tagumpay na mahuli ang buong hukbo ng duke. "Ha! Hindi na ako makapaghintay sa gatimpala na maaaring ibigay sa atin ng hari," masasayang bulungan pa ng mga kawal. "Sabi na eh! Nagkukunwari lang siya malakas pero ang totoo ay mahina na siya!" komento naman ng isa. "Oo nga! Muntikan na niya tayo mapaniwala!" nagyayabang na komento naman ng kanyang kausap, "Tinakot niya tayo ng sobra sobra!" May kung anu-ano pang mga binibigay na hinuha ang mga kawal sa dahilan ng pagsuko ng duke sa kanila. Ngunit taliwas nito ang pakiramdan ng mga silver knight at mag-amang Payden. Alam nila na may ibang dahilan ang biglaang pagsuko ng binatang duke sa kanila. Walang rason para sumuko ito basta basta lang na hin

