maagang siyang nagpaalam kay minda ng araw na yon.wala kasi ang kaibigan dahil umuwi ito ng pasig. mas mainam na nga iyon ie. na wala ang kaibigan ng araw na iyon.
para kasing biglang sumama ang kanyang pakiramdam sa naging conversations nila ni david.
"david mcline pala ang pangalan niya". aniya sa sarili.iyon kasi ang nakasulat sa business card na binigay nito sa kanya. for the first time nalaman niya ang tutuong pangalan ng ama ng mga anak.
kahit kailan hindi niya pinagkaabalahang alamin man lang.
para sa kanya ito yung problimang dumating sa buhay niya na parang hindi niya kakayanin.
nakasakay sa kanyang sasakyan ng hindi niya namamalayan. wala talaga siya sa sarili. halos maghapon siyang ganoon.dahil sa pagsulpot ni david sa shop ng araw na iyon.
nagulat na nga lang siya ng maipark ang sasakyan sa isang park,.. hindi niya alam kong bakit siya nandoon.
ganoon na ba siya kadistracted ng araw na iyon.
bumaba siya sa sasakyan at naglakad lakad.
habang magulong magulo isip.
ayaw muna niyang umuwi, dahil ayaw niyang makita siyang ganoon ng mga anak. subrang matanong pa naman si bella.
naupo sa isang upuang simintong nasa ilalim ng punong malaki na nakaharap sa napakagandang tanawin ng tagaytay.
papalubog na ang araw ng sandaling iyon.pinapanood niya iyon.
napabuntong hinga siya.
sa paraang iyon ay parang nairerelax niya ang kanyang isip. kailangan niyang makapag isip ng tama ng mga sandaling iyon.
hindi siya pweding sumuko nalang basta basta.
habang nasa ganoong pagiisip ay nakapagdesisyon na siya.
hindi naman na kasi kailangang patagalin pa.
dahil wala naman siyang ibang choice. hindi naman siya binigyan ng iba pang options ng lalaking iyon.
gusto niyang magalit kay david pero hindi niya magawa.
kasalanan naman niya ang lahat.
siguro nga ito yung karma sa lahat ng maling desisyong nagawa niya.
pero bakit subra subra naman yata ang balik niyon sa kanya.
umalis na din siya sa lugar na iyon ng tuluyan ng mawala sa kanyang paningin ang araw na tuluyan ng naglaho sa papadilim ng paligid.
nilandas ang daan pabalik sa kanyang kotse.
pinaandar iyon at mabilis na pinatakbo pauwi.
ang gusto lang niyang gawin ng mga sandaling iyon ay yakapin ng mahigpit ang mga anak upang kahit paano ay mabawasan ang bigat ng kanyang pakiramdam.
nakarating siya ng bahay na hindi niya namalayan.
pagpasok sa may sala ay nakit niyang nanonood ng tv ang dalawang bata. habang kumakain ng chips.
si leleth naman ay nasa kusina at nagluluto.
inilang hakbang niya ang pigitan sa mga anak at niyakap ang mga ito.
pigil ang luha ng mga sandaling iyon.pero pilit parin iyong naglandas sa kanyang mga mata.
"always remember, i love you so much.". bulong niya.
" mom,, what are you doing? im watching." si isagani
"why are you crying mom?" si bella.
nakangiting binitiwan sa pagkakayakap ang dalawang bata.
ginulo ang mga buhok ng mga ito.
"mommy naman ie," sabi ni isagani at pilit ibinabalik ang buhok sa pagkakaayos.
ganoon din si bella.
natuwa siya sa inasal ng dalawa.
" gani,bella, do you want to meet your dad?". tanong niya sa mga ito at nakatingin sa dalawang bata habang nakaupo sa harap ng mga ito.pilit siyang ngumiti habang sinasabi iyon.
biglang natuon ang mga inusinting mata ng dalawang bata sa kanya.
at tila ba naguguluhan sa kanyang sinabi.
"do we have a daddy? mommy.." inusinting tanong ni bella.
si isagani ay walang imik.
"yes, do you want to meet him?". tanong niyang muli at tinitimbang ang mga ito.
" yeehhheeyyy, you heard that gani we have a daddy? i told you. " sabi ni bella sa kakambal.
napakunot ang kanyang noo sa sinabi ni bella.
" okay you win". sabi ni isagani sa kakambal.
anong ibig sabihin ng mga anak sa sinasabi ng mga ito.
"when will we meet daddy?" si gani
" yes mommy when will we see daddy we will miss him".
kitang kita niya sa itsura ng mga ito ang tuwa at excited ang mga itong makilala ang ama.
kahit pa nga napakaseryuso parin ng mukha ni gani.
parang kinurot ang kanyang puso sa nakitang saya sa mga mata ng mga ito.kaya ba niyang ipagkait ulit ang ngiting iyon sa mga labi ng mga ito.
magtatatlong taon ng walang kinikilalang ama ang kambal.
at ngayung sinabi niyang may daddy ang mga ito hindi matatawaran ang ngiti at tuwa sa mga munting anghel na nasa kanyang harapan.
kaya ba niyang bawiin ang mga salitang binitiwan sa mga ito.? parang hindi yata.
kaya naman mas lalong nabuo ang kanyang desisyon.
makalipas ang isang linggo. nakapagdesisyon siyang tawagan ang number na iniwan ni david sa kanya.
" yes, who is this? " sagot ng isang boses ng lalaki sa kabilang linya. alam niyang si david iyon.
memories na niya ang tinig nito
"it's me celestine". kinakabahang sabi niya.
"did you decide?".
"yes,can we meet?". lakas loob na tanong niya.
" sure, send me the place where you want us to meet.".
"okay"
pinatay na nito ang linya.
mabilis siyang nagtype sa kanyang cellphone.nagtype ng
lugar,kung kailan at oras ng kanilang pagkikita.
matapos maisent ang message ay nagreply ito agad ng "okay". yon lang
nakaupo siya sa harap ng counter ng shop.
"hoy bhessy, parang naggagala naman yata yang kaluluwa mo. aba kanina pa ko dito sa harapan mo, at ubos na ang laway ko sa kakadaldal pero hindi mo naman pala ako naririnig. kaluka ka.". mahabang sabi ni mimi
bigla siyang bumalik sa katinuan.
ano ba nangyayare sa kanya.
"sorry bhesh. " tangi niyang nasabi.
" may problima kaba?"
" huh? wla. wala naman bhesh bakit?" balik tanong niya.
" kasi isang linggo kanang ganyan, hindi ka naman dating ganyan, ang dami dami mo na ngang maling ginagawa ie. pero hindi lang kita pinapansin dahil gusto kong ikaw mismo magsabi sakin pag handa kana".
" sorry, masyado lang siguro akong pagud".
" sabihin mo na. kilala kita". sabi nito at umupo sa harap niya.
alam niyang hindi siya nito titigilan kaya sinabi na niya dito ang lahat lahat.
niyakap siya nito at hinaplos ang kanyang likod.
" kaya mo yan, alam kong matatag ka. gawin mo ang sa tingin mo ay tama at makabubuti para sa mga inaanak ko,nandito lang ako lagi para sayo.." tanging salitang narinig niya dito.
doon niya na hindi napigilang ang luha at biglang umiyak.
" sige iiyak mo yan, pagkatapos tumayo kang muli ng matatag.". pang-aalo nito.
parang lumuwag ang kanyang dibdib sa pagtatapat sa kaibigan. nabawasan ang bigat ng kanyang dibdib.