episod 3
dumating ang araw na natapos na ang kanyang pangalawang kontrata sa saudi at ngayung araw pabalik na siya ng pilipinas pero hanggang sa mga sandaling yun. wala parin siyang nakakausap na matino sa dating sites na sinalihan niya.
ang plano niya pag balik ng pinas ay hindi muna uuwi ng isla. but she wants to enjoy her freedom after four years working in saudi like a preson. she wants to go to palawan, cebu, and some other parts of the philippines thats is a tourist destanations. who knows don niya makilala ang lalaking gustong makipag one night stand sa kanya at pumayag maging donor ng anak niya or sa malate at subic kaya. ?
para siyang tanga ngayun siya parang mababaliw sa paghahanap ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak. may mga nakausap na siya sa dating sites na sinalihan but all of those man are looking for a serious relationship. at ayaw daw nilang magkalat ng lahi.
aba kalukang mga foriegner. diba. ?
ayaw naman niya sa pinoy. iwan ba pero hindi yata para sa gaya niyang pinoy ang kanyang beauty bukod sa takot talaga siya sa mga lalaki. .. hindi naman sa takot its already a long time since that happened to her. she almost overcome na nga ie. ilang taon na nga ba simula ng matakot siyang lumapit sa mga lalaki isang dekada, dalawang dekada na nga yata ie. tweenty nine na nga siya ngayun at still a virgin. at sa edad niyang yun wala pa siyang experience kahit sa paghalik.
"bhessy,, ingat ka sa flight mo ha. mamimiss kita." nag eemote na wika ni mimi.
mauuna siyang umuwi kay mimi ng dalawang buwan.kaya maiiwan pa ito doon. habang siya nama'y flight niya na pabalik ng pinas.
" oo,, ano kaba wag kanang malungkot magkikita pa naman tayo sa pinas.". sabi niyang nakangiti dito. ayaw niya kasing ipakita dito na nalulungkot siyang iiwan niya na ito doon.
"mamimiss kita sympre kahit na nga ba dalawang buwan lang at uuwi na din ako.".
sabi nito. hawak nito ang travelling bag niya. nagpumilit itong sumama sa amo nila para ihatid siya sa airport.
"mamimiss din kita." sabay yakap niya dito.
"magiingat ka dito ha.". sabi niya at bumitaw na dito.
pagkatapos ng paalamanan nilang magkaibigan ay kinuha na niya dito ang travelling bag at hinila na iyon papasok sa airport. lumingon siya sa kaibigan at amo. kumakaway ang mga ito sa kanya.kumaway din siya sa mga ito.
bigla siyang nalungkot. . sa apat na taong paninilbihan sa mga ito'y napalapit na din ang loob niya sa mga amo at alaga.. mababait kasi ang mga ito. hindi sila itinuturing na iba. bagkos para din silang pamilya ng mga ito.
kaya masasabi niyang isa siya sa maswerting nangibang bansa sa saudi na nakatagpo ng mababait na amo.
habang nakaupo sa upuan at hinihintay ang kanyang flight. .naisip niyang i-open ang dating account. at may nag message sa kanya. no profile picture... and new account lang.
"hi,,,how are you pretty woman.?" basa niya sa message walang ganang binura niya ang message na yun at hindi pinansin. but the account is still online.
after a few minutes scrolling down to the dating sites. there is a new message again coming from the guy who doesn't have a profile picture.
" hey,,, i read your profile and im interested to know about you.? and your looking for a one night stand huh.?" parang nakakalukong message nito sa kanya.
ayaw niya sanang reply-an ito. aba malay ba niya kong matandang hukluban na pala ito or kong mukha pala itong killer,or mukhang m******s kaya na iniiwasan niya.. wala kasing picture ang profile nito at ni walang kahit anong details about him. but she ended typing message to the guy.
" im good. how about you? and yes im looking for a one night stand,but in one condition. one night stand but i need to get pregnant, in short im looking for a sperm donor.." deretsahan message niya dito. alam niyang hindi na magrereply ito gaya ng mga naunang nagmessage sa kanya.
" you get me curiuos huh?". maikling reply nito.
" im just being honest for what i want.no commentment no feelings involved." reply niya.
hindi siya gaanong marunong mag english so bahala na kong maintindihan ba siya ng kausap..
" lets meet then,maybr im the one your looking for beautiful lady.. in one condition" reply nito.
aba may condisyones pa nga. ie wala ngang profile picture ie.
" how do we meet if you don't even have a picture on your profile..? ? reply niya.
" don't worry i'm not an old man looking for a young girls and you're not a child anymore,you're already 29 years old baby.reply nito
naluka siyang bigla. aba at talagang pinagdinan pa ang salitang 29 years old.
ei sa ayaw nga niya sa mga lalaki ie.
" all right then let's meet ." reply niya bago tumayo at binitbit ang bag dahil tinatawag na ang mga pasahero ng sasakyan niyamg eroplano.
Nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano si tin...... walang kahit anong emosyon na makikita sa kanyang maamong mukha.
pinagmamasdan ang mga kulay puting ulap na nakalutang sa himpapawid napakapanatag ng mga ito.
hindi niya alam kong magiging masaya ba siya sa kanyang naging desisyon, hindi niya alam kong kaya niya bang panindigan lahat ng desisyong nabuo sa kanyang isip. but he had to try. because she wants to give color to her life to have a reason to work harder and to live. yes she had a family, siblings and parents,but she feels that she is missing something.
yung takot sa puso niyang nabuo simula pagkabata ay parati paring bumabalik sa kanya. andon parin ang takot na mapalapit sa kahit sinong lalaki.
kahit nga sa papa at mga kapatid niyang lalaki ay takot siyang lumapit man lang sa mga ito.
but now she had to fightthe fear with herself.
pero sana after niyang magawa ang planong nabuo sa kanyang isip ay mawala na ang takot sa kanyang puso.
hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya. nakasandal ang kanyang ulo sa tabi ng bintana.
ganon naman siya lagi ie.laging tulog sa biyahe. kahit nga yata sa tricycle o khit anong bagay basta umaandar nakakatulog siya. para kasi siyang nahihili tuwing sasakay ng kahit anong klaseng sasakyan.
kaya naman sa buong flight niyA ay wala siyang ginawa kundi matulog. nagising na lamang siya ng papalapag na ang eroplanong sinasakyan niya sa manila international airport.
So this is it,
"WELCOME TO THE PHILIPPINES, MABUHAY"
at nagpalakpakan ang mga pasahero nito.
hindi parin siya makapaniwalang na nasa pilipinas na siya. walang susundo sa kanya dahil hindi alam ng kanyang pamilyang uuwi na siya.
alam niyang magtatampo ang ina.
sa apat na taon ba namang hindi siya umuwi mula ng magtrabaho sa saudi.
ang huling pagkikita nila ay bago siya umalis noon. its already four years ago.
she miss her family, she miss her town,
namimiss niya ang tahimik na buhay sa bukid,sa tabing dagat, yung parang ang sarap bumalik sa pagkabata.
walang kahit anong iniisip. kundi ang maglaro. na walang kahit anong hirap at sakit nararamdaman kundi ang palo ni nanay sa pwet sa tuwing tatakas siyang maliligo sa dagat kasama ang mga kaibigan.
pero ngayun iba na.. subrang dami ng nangyare at madaming agam agam sa kanyang isip.
she wants to have children but how.?
mayron bang matinong lalaking papayag na mag iwan ng lahi sa kanya.?
at ang malaking tanong. kaya ba niyang labanan ang takot, ang takot na siyang naging dahilan kong bakit hanggang ngayun ay single parin siya.
kahit lagi niyang sinasabi sa sariling,kailangan niyan labanan ang takot pero hindi niya parin alam kong saan magsisimula.
nang magtayuan na ang mga pasahero ay tumayo na din siya sa kanyang kinauupuan isinukbit ang dalang hand carry bag sa balikat at nagtiyagang makipila sa mga gaya niyang pasareho pababa ng eroplano.
NANg nasa labas na ng airport hila ang travelling bag at nakasukbit naman ang dalang hand carry bag sa kanyang balikat..
napapangiti na lamang siya habang nakatingin sa mga taong masayang sinusundo ang kanilang mga mahal sa buhay.
gusto din naman sana niyang sunduin siya ng pamilya pero nagpasiya siyang wag na.
mahal ang pamasahe paluwas ng maynila.
at gusto niyang subukan ang planong nabuo sa kanyang isip.
"Bahala na si batman" sabi niya sa sarili.
nakangiting hinila niya ang dalang travelling bag. wala naman siyang bitbit bukod sa isang travelling bag at hand carry bag. naipadala na kasi niya ang ilang gamit sa balikbayan box.
tinahak niya ang daan pababa. patungong sakayan ng mga bus. ayaw niyang magtaxi. alam kasi niyang mahal maningil ang mga ito. at mas murang di hamak ang pamasahe sa bus.
Sa terminal 1 sa NAIA siya lumapag kaya malapit lang ang lalakarin niya patungong sakayan ng bus.
at nakapag desisyon siyang mag check in na muna sa pinaka murang motel.
nang makasakay na ng bus. naalala niya ang foriegner na kachat bago sumakay ng eroplano.
dinukot niya ang dalang cellphone sa bag at binuksan ang dating sites kung saan niya nakausap ang foriegner
hindi na kasi niya nabasa ang reply nito dahil wala na siyang signal kanina pag sakay ng eroplano.
" okay meet me at the bar in makati.". nabasa niyang reply nito sa message niya.
nangunot ang kanyang noo. wala ba talagang balak magpakilala itong lalaking to.
or mag sent man lang ng picture niya.
napabuntong hininga na lamang si tin. hindi niya alam ang hitsura ng lalaking to ni wala ngang pangalan kundi alyas lang ang nakalagay sa profile nito. tapos makikipagmeet siya dito. kaya ba niya yun.?
takot siya sa mga lalaki. buti sana kong kasama niya si mimi. pero wala din naman siyang malaking pera upang mag undergo nalang ng fertility treatment to have children.
"MR.CURIOUS GUY" yun lang ang nakalagay sa profile nito. may mga ilang details nothing more.
hindi niya na nirepla-yan to. at base sa message nito nasa pinas ang lalaki dahil parang anytime his willing to meet her