hoping

1357 Words
subra ang kabang nararamdaman niya ng mga sandaling yon. hindi siya makapaniwalang muling magku-crus ang landas nila ng lalaki. tatlong taon na ang nakalilipas, mag-aapat na taon na nga kong tutuusin. at sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli niya itong makikita. abo't abo't ang kabang kanyang nararamdaman. "nakilala kaya niya ako?" tanong ng kanyang isip,... pero parang hindi, dahil wala naman itong naging reaction ng makita siya nito kanina., sadyang umaasa lang talaga siyang makilala din ng lalaki kahit maraming taon na ang nakalilipas. siguro naman kahit sino, hindi na maaalala ang isang gabi lang na pagsasama.at one night stand pa nga nothing special at all. at alam niyang bukod sa kanya madaming babae ang nakasama na nito.at naikama ng walang kahirap hirap man lang. kaya malabong makilala siya ng lalaki. halo halong emosyon ang kanyang nararamdaman. masaya dahil nakita niyang muli ang ama ng kanyang mga anak.at lalaking aminin man niya o hindi ay unang itinangi ng kanyang puso,kahit pa nga sa hindi magandang pagkakataon niya ito nakilala. malungkot dahil hindi siya nakilala nito at siguro ay may pamilya o kaya naman ay girlfriend na ito. bigla nalang nagulo ang tahimik na mundo niya ng mga sandaling yun. pero kung hindi man siya nakilala ng lalaki, siguro mas makabubuti yun sa kanilang dalawa. pati na rin sa kanyang mga anak. ayaw niyang magulo rin ang buhay ng kambal, dahil sa biglaang pagsulpot ng ama ng mga ito. mula ng isilang niya ang kambal wala ng kinilalang ama ang mga ito. at ginawa niyang lahat upang iparamdam ang pagmamahal ng isang ina at ama. kahit alam niya sa kanyang sarili na hindi niya kayang punuan ang pagiging ama sa mga ito. siguro sa ngayun hindi pa nagtatanong ang kambal tungkol sa ama. at alam niyang darating ang panahong yun. masasaktan man siyang makitang maghahanap ng presinsiya ng isang ama ang mga ito. pero mas gugustuhin niyang mangyare yun kaysa hindi sila kilalanin ng lalaki. mas masasaktan siya sa bagay na yun. ang mga anak ang tanging yaman niya sa mundo.ang mga ito ang lakas niya. ang kahinaan niya. ang mga ito ang pinagdasal niya, na kahit wala siyang asawa ay okay lang, ang importante sa kanya ay may mga anak siyang makakasama habang siya ay nabubuhay. "mommy,, mommy,, .? humahangos na salubong sa kanya ni bella. hindi niya namamalayang nasa harap na pala siya ng van. masyadong naging abala ang kanyang isipan. nakita niyang basa ang laylayan ng suot nitong short, galing na siguro sa gilid ng dagat ang mga ito. puno rin ng buhangin ang maliliit na binte nito. nakasunod kay bella ang kaibigan at ang kakambal. "where have you been sweetee?". malambing na tanong niya dito. itinuro nito ang lugar kong saan ito galing. napangiti siya. "hay naku ang kukulit ng dalawang ito,". sabi ni mimi na nakalapit na sa kanila. " ano suko kana ba agad?". natatawa niyang wika dito. " hindi pa naman." sagot ng kaibigan. "mom i want to swim, please,." paglalambing ni bella. "me to mommy, ". sigunda naman ni gani. '"ohh ayan,narinig mo gustong maligo ng dalawang yan kaya kami bumalik dito, dahil gusto ng magtampisaw ie hindi pa nga sila nakakapag sun blocked at isa pa hindi pa nakabihis ng pangpaligo. ". mahabang litanya ni mimi. natatwa siya sa kaibigan tila ba mukha itong nakipagdigmaan.wala pang isang araw itong nagbabantay sa kambal. " okay go ahead i'll let you swim but change your bathing suit and put on sunscream." nakangiting wika nya sa mga ito. "yeehhheeyyy,,.... thank you mommy" halos panabay na sagot ng kambal. at naguunahan ng sumakay ng van para kunin ang kanya kanyang isusuot ng mga ito. independent ang mga ito kaya wala siyang problima. kahit pa nga mag tatatlong taon palang ang mga ito sa susunod na buwan. "hay naku mamumuti ang bolbol ko sa mga anak mo bhessy." natatawang sabi ni mimi at pumasok na din sa van. siya naman ay umikot sa bandang likod ng van at kinuha ang ilang mga bulaklak na naiwan. kailngan kasing maiayos na iyon , itinutusok kasi nila iyon isa-isa sa basang foam. para hindi agad ito malanta. sila lang dalawa ni minda ang nagaayos sapagkat ang kaibigang si mimi ang nagbabantay sa mga bata. wala kasi itong tyaga sa ganoong gawain, kaya tuwing may event silang sinusuply-yan ng mga bulaklak madalas talagang siya ang sumasama para mag decorate niyon. ito palang sana ang unang beses na hindi siya kasama doon, kong hindi lang nirayuma si mang pedreng. dahil sa naging abala siya sa kanyang ginagawa nawala sa kanyang isip si david. sumapit ang alas-tres ng hapon ang lahat ay abalang abala na,. malapit na kasing mag alas kwatro ng hapon. kaya kailangan maisaayos na nila ang mga bulaklak, ilalagay na lamang naman nila ang mga iyon sa mga lamesang nasa gilid ng dagat kong saan gagapin ang reception,. sa may pinaka dambana naman ay nilatagan nila ng mga pulang petals ng rosas, ganoon din ang lalakaran ng bride, napakagandang tingnan niyon dahil maputi ang buhangin samantalang pula naman ang petals ng rose na ikinalat nila doon. habang ang mga puting kurtina ay may mga palamuting puting bulaklak na nkalagay doon. napakaganadang tingnan lalo pa't nililipad lipad ng hindi kalakasang hangin ang laylayan ng mga puting tilang nakasabit sa isang kuwadradong bahagi ng pinakadambana kong saan magiisang dibdib ang ikakasal. at sa hindi kalayuan naman ang pinakareception, may mga lamesa at monoblock na nababalutan ng puting tila at may nakalagay na ribbong kulay pula. bawa't lamesa ay nilalagyan nila ng mga bulaklak na mas lalong nagbigay ng magandang buhay doon. bago magsimula ang kasalanan ay natapos na nila ang lahat ng dapat nilang gawin... maya maya ay uuwi na rin sila patatapusin lang nila ang pagiisang dibdib ng kinasal.upang hindi sila abutin ng dilim sa daan. hawak niya sa kanyang magkabilaang kamay ang kambal. at tahimik na pinapanood ang pag iisang dibdib ng magkasintahang alex at bea. sa di kalayuan hindi sinasadyang may mahagip ang kanyang paningin. hindi siya pwiding magkamali si divid iyon. napakagwapo nito sa suot na coat attire. biglang tumibok ng mabilis ang pintig ng kanyang puso.ng muling maalala ang namagitan sa kanila ng gabing iyon. maya-maya pa'y nakita niyang may lumapit na isang napakagandang babae dito. nakasuot ng kulay pulang gown ang babae abot hanggang sakong ang haba nito.. may dalawang slit sa magkabilaang hita, backless ang style na para bang gasinulid lang ang nipis ng nakasabit sa balikat, labas ang magkabilaang puno ng maputi at malulusog na dibdib nito. kaya mas lalong naging takaw tingin ang babae, tila ba isa itong dyosa ng kagandahan na bumagsak sa lupa.halos lahat ng mga bistang naroon ay napapatingin sa babae. nakita niyang ikinawit ng babae ang braso kay david, at kitang kita ng dalawang mata nya ng ngitian ito ng pagkatamis tamis ng lalaki.biglang nakaramdam ng kirot si celestine at nanliit sa sarili. yumuko at tiningnan ang sarili. nakasuot siya ng pantalon na hapit sa kanyang hita. tinirnuhan ng kulay puting t-shirt na nakatack-in at pinatungan ng long sleeve pulo at nakatali sa may bangdang baywang niya. at isang pares ng lumang rubber shoes sa paa.nakatali ng papusod ang mahabang buhok. wala pa halos sa kalahati ng babaeng kasama ni david ang itsura niya. kaya naman nagyaya na siyang umuwi. ang sabi niya sa kaibigang si mimi ay sumama bigla ang kanyang pakiramdam. at ayaw niyang abutin sila ng dilim sa daan. kaya kahit hindi pa tapos ang kasal ay umalis na sila. hindi na siya makakatagal sa lugar na yun base sa nakita niya, siguro ito ang asawa ng lalaki o hindi kaya ay kasintahan. nasasaktan siya sa kaalamang iyon. bakit nga ba siya masasaktan? dahil umasa siyang pag nagkita silang muli ng ama ng kanyang mga anak ay makilala siya nito. pero paano nga ba siya nito makikilala ay isang gabi lang sila nagsama. at hindi siya kasing ganda ng babaeng kasama nito ngayun. siguro nga ayaw man niyang aminin sa sarili, umaasa siyang magkaroon ng ama ang kanyang mga anak. kahit pa nga hindi niya iyon noon pinangarap. dahil ang tanging gusto niya lang noon ay magkaanak at hindi ang magkaroon ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD