NICOLE POV Nakita ko ang naglalarong ngisi sa labi ng mama ko at ang ngiting mapang asar sa papa ko. Hay nako, ang hirap nito, hindi ako natutuwa sa reaksyon nila. May asawa na si Donny at matalik na kaibigan ko pa kaya ayaw kong tinutukso nila ako sa lalaking ito. Kulang din kasi ang sinabi nitong si Donny kaya kung ano ano na ang mga napasok sa utak ng mga magulang ko. "At si Donny po ay ang asawa ng matalik kong kaibigan na si Jean. Yung pumunta rito three months ago. Kasal na sila at soon alam kong magkakaroon na sila ng anak!" Nawala ng sabay ang ngiti ng mga magulang ko sa sinabi ko. Halatang dismayado sila sa nangyari sapagkat nakita nilang disente ang pananamit ni Donny at galante tingnan. Baka iniisip nila na ito ang mag aahon sa amin sa kahirapan. Nakakahiya na kaagad, sana

