* * Hazel's POV * * Naalimpungatan ako nang marinig kong may kausap si Mama, kaya tumingin ako sa orasan na nasa maliit na table sa gilid ng kama ko—8:30 in the morning. "Ang aga naman ata makipaglandian ni Mama kay Papa," mahinang wika ko, sabay tipid na ngiti. Maya-maya pa, bumangon na ako habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Pamilyar naman sa akin ang buong silid ko, kaya kahit nakapikit, alam ko kung paano lumabas. Pagkalabas ko ng pinto, dumeretso ako sa kusina para tignan si Mama. Doon kasi nanggagaling ang mahinang boses niya. Papungas-pungas pa ako ng mata nang makarating ako sa kusina. "Good morning, Ma. Good morning, Pa," bati ko sabay taas ng dalawang kamay ko para mag-unat. Ramdam ko pang tumaas ang one-piece nightgown ko sa pagtaas ng kamay ko, kaya alam kong halos maki

