* * Hazel's POV * * 5:00 in the afternoon, "Oh, baka mamaya may makalimutan tayo, ha. Check niyo mabuti." Paalala ni Baks habang inaayos namin ang mga gamit namin dahil pauwi na kami ng Maynila. Hindi raw sumulpot si Sir Neil kagabi sa party, kaya magpapaparty siya sa Moon’s Bar this coming Monday. Maya-maya, natigil ako sa pag-aayos nang mapansin ko na tuxedo jacket ni Mr. Weird Arrogant ang tinutupi ko. "s**t," mahina kong bulong sabay malalim na buntong-hininga. "Are you okay, beshie?" seryosong tanong ni Danica sa akin. "I think alam ko na kung bakit malalim ang hininga mo," sabi naman ni Baks, sabay nguso sa hawak kong tuxedo jacket ni Mr. Weird Arrogant. "Hindi pa rin kasi ako makapaniwala," sagot ko sa kanila. "Hindi lang naman ikaw, girl. Maging ako rin at itong si Danica,

