* * Hazel's POV* * "Puro ka kasi kalokohan, Baks," mahinang sabi ko kay Baks nang alisin niya ang kamay niya sa bibig niya. "Hindi kalokohan 'yon, girl. Handa talaga akong matikman siya kaya ko sinabi 'yon. Malay ko ba na magagalit pala siya sa akin," bulong naman ng loko-lokong bakla sa akin. "Asa ka naman na magpapatikim 'yan sa'yo," bulong ko muli kay baks habang sinisiguro namin ni baks na hindi marinig ni Kuya Bert at Mr. Barren ang pinag-uusapan namin. "Girl, napakagwapo talaga niya! As in, siya ba si Papa Vin?" bulong na tanong ni baks sa akin habang nakatingin lang kaming dalawa kay Mr. Barren na seryosong nakatingin din sa akin. Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya. "My God, girl, parang mapapalitan na si Fafa Kevin sa puso ko sa sobrang kagwapuhan niya," malanding bu

