5 YEARS LATER: "Good morning, Doc!" Napangiti ang dalaga na tumango sa mga nurse at pasyente na panay ang pagbati sa kanya habang naglalakad ng ward at isa-isang tinitignan ang mga pasyente nito. Lalo pa nga itong gumanda at sumexy sa paglipas ng panahon. Napakaganda at hot nitong tignan lalo na sa tuwing gan'tong inaasikaso niya ang mga pasyente niya. Kaya marami sa katrabaho nito sa hospital ang nanliligaw sa dalaga pero wala itong pinauunlakan. Sarado na ang puso nito sa larangan ng pag-ibig. Natakot na itong magtiwala at magmahal muli dahil sa nangyari sa kanila ng unang nobyo nito. Isang taon pa lang siyang nagtatrabahong license doctor sa hospital ng kaibigan ng ama nito sa negosyo. Nagmukmok kasi ito ng tatlong taon sa loob ng silid na tila nasa isang madilim na mundo. Mag-i

