LIHIM na nangingiti si Fiona sa isip-isip nito habang kaharap ang mga magulang ni Jayden sa dining room. Silang apat lang ang magkakaharap dahil may pasok pa ang dalawang nakababatang kapatid ni Jayden na sina Hardin at Hazel. Napaka-sweet ng mga magulang ni Jayden na kahit kaharap sila ay nagsusubuan ang mga ito. Napaka maasikaso nila sa isa't-isa at ang alumanay nilang magsalita na may halong harutan ang lambingan nila. "Baby, try this too." Bulong ni Jayden na ipinaglagay ng sa plato ng buttered chicken si Fiona. "B-busog na nga ako eh," pabulong sagot nito na pinigilan na si Jayden na halos punuin na naman nito ng pagkain ang plato nito. Kahit sobrang sarap ng mga nakahain na parang mula sa mga exclusive restaurant ang ayos ng mga iyon ay hindi natatakam si Fiona. Mas gusto pa

