"Iyan ang sasalba sa buhay mo, ija." Paanong ang isang bagay lang na ito ang magliligtas sa buhay ko? Hindi ko tuloy malaman kung paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi ng matandang 'to. "Magkano ba 'to? Sure ka po ba na ito lang ang kailangan ko para mawala na ang mga gumagambala sa akin na kaluluwa?" paninigurado ko. Nakakahanga dahil kahit wala pa akong sinasabi ay alam na kaagad niya ang pakay ko. Mukhang bihasa na rin naman siya dito. "Hindi na kailangan ng bayad, ija," sagot niya. Lalo akong nagtaka. Bakit walang bayad ang mga 'to? Ibig sabihin ay ibinibigay niya lamang ng libre ang mga kagamitan na narito ngayon sa mga taong nagpupunta dito? Mukha pa man ding mahirap ang matandang 'to at nangangailangan ng tulong pero bakit hindi siya nagpapabayad? Bigla ay naisip ko na baka naman na

