“Ikaw mismo ang nag-isip ng mga ‘yon.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong kahibangan ‘yon? Bakit naman ako mag-iisip ng ganoong klase na sitwasyon na ako ang dehado? Bigla ay ngumisi ako sa harapan niya. Inilayo niya sa akin ang mukha niya pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. “Hindi ako nag-iisip ng gano’n kaya hindi mo ako malilinlang. Bakit ko naman ang iisipin ang mga bagay na ‘yon? Ang mga kaluluwa nila ay hindi ko binibigyan na ng pansin.” Nawala ang ngisi sa mukha ko nang marinig ang isinagot niya sa akin. “Ang sabi ko lang naman ay humiga ka at saka ipikit ang mga mata mo bago mo i-relax ang utak mo. Wala na akong ibang sinabi pa sa’yo na gawin o isipin mo, kaya paano mo nasabi na ako ang naglagay sa utak mo ng ilusyon na sinasabi mo?” Hindi ko siya lalo ma

