Walang choice si Maricel kundi ilabas ang ipon niya na tinipon sa loob ng dalawang taon.
₱5,300,000 lang ang naipon niya—malayo sa kabuuang utang ng ama niya. Pero sapat ito para makapagsimula.
Agad niyang tinawagan ang mga maniningil.
“Magandang araw po,” mahina pero matatag niyang sabi.
“Siya po si Maricel Del Ayre. Ito po ang ipon ko… at gusto kong magsimulang magbayad sa utang ng ama ko.”
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa kabilang linya.
“Magkano ang kaya mong bayaran ngayon?” tanong ng isa.
“₱500,000 po, ito po muna ang maibigay ko,” sagot ni Maricel.
Maya-maya, may sagot mula sa kabilang linya.
“Maricel Del Ayre, salamat sa prompt payment. Simula ngayon, ititigil na rin namin ang interest,” sabi ng lalaki.
Nanlaki ang mata ni Maricel at lumingon kay Mang Mario, na nakangiti ng bahagya.
“Alam mo, anak… kahit maliit, nagsimula na tayo,” mahina niyang bulong habang niyayakap si Maricel.
“May balance pang ₱2,350,000, pero sisimulan nating ayusin ang lahat ng unti-unti,” dagdag niya.
Para matustusan ang bahay at pang-araw-araw na pangangailangan, nagdesisyon si Mang Mario na ibenta ang mga bote ng alak sa kanilang ref sa mga kumpadre niya.
Nahihiya siya sa anak at sa magiging apo niya, pero ramdam niya na kailangan niyang magsakripisyo.
“Namimiss ko man ang uminom,” bulong niya sa sarili habang nag-aayos sa bahay,
“mas importante ang anak ko at ang apo ko kaysa sa kahit anong kalasingan.”
Hindi naglaon, nagsimula na ring magtrabaho muli si Mang Mario bilang kargador sa mga trucks ng kumpanya sa kanilang lugar—tinatawag itong mano.
Kumikita siya ng ₱1,000–2,000 kada araw, depende sa dami ng kargamento na kanilang hinahakot.
Ang unang ₱500 na kinita nila ay ginamit agad para sa bahay at pang-araw-araw na pangangailangan, habang unti-unti nilang binabayaran ang utang.
Araw-araw, dumarating ang mga maniningil at nagbibigay si Maricel ng bayad na ₱500–1,000 kada araw. Pumayag na rin sila dahil nakita nilang maayos naman kausap si Maricel. Unti-unti, nakayanan na nilang magbayad ng ₱2,000 kada araw—isang malaking ginhawa sa kanilang puso.
Samantala, ginamit ni Maricel ang natitirang pera para sa puhunan.
Sa tanghali, nagtitinda siya sa tapat ng bahay nila: halo-halo, fishball, kikiam, tokneneng, kwek-kwek, siomai, at mga palamig.
Sa gabi naman, nagtitinda siya ng mga ihaw-ihaw: isaw, pork barbecue, betamax, adidas, tenga ng baboy, at hotdog.
Pumatok ang negosyo dahil sa sarap ng timpla ng suka niya—natutunan niya ito pa sa hotel sa Calamba kung saan siya nagtatrabaho noon. Halos araw-araw, ubos ang kanyang ihaw-ihaw.
Dahil dito, gumawa si Mang Mario ng pwesto para kay Maricel sa tapat ng bahay nila.
Gumamit siya ng mga lumang kahoy, plywood, at yero na nakatambak sa likod ng bahay para makagawa ng maliit na stall.
Habang hawak-hawak ni Maricel ang kanyang tiyan, ramdam niya ang bigat ng responsibilidad, pero sabay nito, may kaunting ginhawa rin sa puso. Unti-unti, nagsisimula silang muling bumangon mula sa nakaraang pagkakamali.
Nagpa-check up si Maricel lingguhan para sa kanyang pagbubuntis.
At dumating ang araw ng kanyang panganganak. Sa isang public hospital, isinilang niya ang isang malusog na batang lalaki.
Pinangalanan niya itong Gabriel Del Ayre, at tinawag niya itong Gabi.
Habang hawak-hawak niya ang sanggol, hindi niya maiwasang mapansin ang pagkakahawig nito sa kanyang dating kasintahan—si Gibo. Kitang-kita ang gwapong tampok ng mukha sa maliliit na detalye: ang mata, ilong, at ngiti.
“Malusog ka at gwapo… parang si Gibo,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang anak na ngayon ang pinakamahalaga sa buhay niya.
Sa mga unang linggo, limitado ang kilos ni Maricel at naantala ang kanyang negosyo. Pero hindi nagtagal, nakabawi na siya at naipon muli ang puhunan. Pinagsama niya ito sa kinikita ng ama para sa mga araw-araw na bayad sa mga maniningil.
Hanggang sa makalipas ang tatlong taon at tatlong buwan, tuluyan na nilang nabayaran ang utang. Malaki na rin si Gabi—malusog, masigla, at naging sentro ng kanilang tahanan.
Si Maricel naman ay nanatiling nagpapatakbo ng negosyo sa tapat ng kanilang bahay, patuloy na nagsusumikap para sa kanyang anak at ama, habang unti-unti nilang muling itinatayo ang kanilang buhay.
Ngunit habang lumalaki si Gabi, napapansin niya ang iba. Nakikita niyang may pamilya na may tatawag sa kanilang ama, at hindi maiwasan na magtanong.
Isang araw, habang nagtitinda ng kikiam at fishball, may dumating na pamilyang kapitbahay. Hawak ni Mang Elijah ang kanyang anak na si Marco at sinasabing, “Wag ka nang umiyak, bibilhan na kita.”
Tumingin si Gabi at naramdaman ang kaunting inggit. Yung bata ay may tinatawag na Papa.
Pagkalis ng pamilya, tumakbo si Gabi kay Maricel at sabay na sabi:
“Mama, may tanong ako!”
Agad namang lumingon si Maricel at ngumiti.
“Ano iyon, anak?”
“Mama… bakit ako walang Papa? Bakit sila meron? Ang akin lang… Mama at Lolo, at patay na ang Lola mo, sabi mo. Pero ang Papa ko… nasaan siya? Patay na rin ba siya?”
Nagulat si Maricel. Tatlong taon pa lang si Gabi, pero matalino at mabilis mag-isip kumpara sa edad niya.
Napabuntong-hininga si Maricel, humarap sa anak, at hinaplos ang kanyang buhok.
“Anak… hindi patay ang Papa mo. Buhay siya.”
Natuwa si Gabi at agad na nagtanong muli:
“Nasaan siya, Mama? Gusto ko siya makita. Bakit wala siya dito? Nag-away ba kayo? Umalis siya? Kelan siya babalik?”
Napailing si Maricel at sinagot nang mahinahon:
“Anak… nasa malayo siya ngayon, nagtatrabaho. Pero huwag kang mag-alala. Balang araw, makikita mo rin siya. Promise, anak.”
“Talaga, Mama? Promise yan? Yehey! Buhay ang Papa ko!” sabay tawa at kaway ni Gabi, punong-puno ng excitement.naiisip nya mabait kaya papa ko? kamukha koba sya kasi sabi nila hindi ko kamukha mama hindi din si lolo hindi din naman si lola aha baka si papa ang kamukha ko.oo sya nga haha swerte ko naman kamukha ko papa ko haha