Mia's Point of View "Is it done?" Ma'am Precy asked, Paul's mom. Umiling ako sa tanong niya. Pinapalinis niya ako rito sa maliit na bodega dahil may ilalagay daw siya. Napakadaming alikabok dito at mukhang hindi na talaga pinapansin kaya hindi ko matapos-tapos dahil sa kanina pa ako nababahing. "Then do it faster," galit na sabi nito kaya tumango na lang ako. I wonder what she would be putting here. Mukhang hindi na kasi talaga ginagamit ang room na ito. Nagulat nga ang mga kasambahay nang ipalinis ito sa akin. Tumingin ako sa mga maalikabok na mga gamit. Hindi ako sanay magtrabaho para sa iba kaya medyo nahihirapan pa rin ako kahit 6 years na akong nandito. 6 years na rin akong inaalipin ni Ma'am Precy pero hindi ako pumapalag. I didn't do anything dahil ayaw ko man na tanggapin sa

