Chapter 1: Choco Bar

1183 Words
Tumatakbo akong lumabas sa unit niya. Nakakahiya. Mabilis akong napatingin sa paligid ko. Paano ako napunta rito? Agad akong pumasok sa elevator para makababa. Mabuti na lang at paglabas ko ng building ay may nag-aantay na taxi sa labas. That place. That place makes me tremble and I don’t know why. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko kay bossing. Nasa labas siya ng condo ko. Kakarating ko lang at ito agad ang bumungad sa akin. “I was just worried. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kagabi kaya napasugod ako rito nang magising ako,” paliwanag niya. He moved a bit nang makitang papasok na ako sa condo. “I am fine, you don’t need to check on me. Malaki na ako.” He nodded. “I’ll go,” paalam niya. “Okay.” Umalis siyang bagsak ang dalawang balikat. Tahimik akong pumasok ng condo. Bwisit na alak. Bwisit ‘yung mga lalaking ‘yun dahil sa kanila kaya nakagawa ako ng kalokohan kagabi. Napapikit na lang ako ng maalala ang nangyari kagabi. Sana pala hindi na lang ako naglasing ng walang kasama. Tiningnan ko ang canvas kong hindi ko matapos-tapos. I think there’s something wrong with my painting nowadays. Parang nawawalan na ako ng gana ipagpatuloy ang isang canvas. Palagi na lang akong pabago-bago kahit hindi pa tapos. I decided to buy some groceries. The nearest mall here is just a ten minutes’ drive away kaya malapit lang. Naligo lang ako and I decided to wear a short pair with a plain black shirt and a slipper. Wala naman akong gustong lakarin pa. Pagkatapos mag-grocery ay uuwi rin naman ako. Naghahanap lang ako ng mga pwedeng madaling lutuin. Chae always the one who cooked kapag nasa condo siya. Palagi lang talaga akong nagpapa-deliver dahil palagi akong tinatamad magluto. Maraming nakapila kahit maaga pa lang. So, I moved faster at baka matagalan na naman ako rito. Mabilis lang naman akong nakakuha ng mga kailangan ko dahil naka-lista na lahat ng bibilhin ko. “Thank you, ma’am.” Kinuha ko ang mga groceries ko pero mabigat iyon. Na-sobrahan yata sa pagkuha ko ng mga maiinom. “Paul, can you please assist ma’am,” paki-usap niya sa katrabaho niya. Hindi na ako nag-abalang lumingon sa kanila at umalis na dala ang kaya kong dalhin. Alam ko namang susunod lang ang katrabaho niya sa akin. I open my car’s trunk para ma-ilagay ang mga pinamili ko. Nagulat na lang ako ng may naglagay din sa tabi ko. “You’ve scared me!” inis kong sambit at napahawak sa dibdib ko. “Thank you,” napatigil ako sa ginagawa dahil sa buo at baritono nitong boses. “Ikaw?” tanong ko pero tiningnan niya lang ako at umalis na. Napanganga ako sa nangyari. Siya iyong kanina sa may condo na natulogan ko. And did he just ignore me? Napatingin ako sa likuran niya. He’s tall and has a bit lighter complexion just what I have described earlier. The black suits him well. So, he is working here? Sinarado ko na ang trunk at pumasok na sa kotse. This was my family’s gift on my eighteenth birthday along with the condo I have right now. This is a bit older now. This has been with me for 5 years. And I am happy that it’s working fine as hell. Nang makauwi ay nagpa-deliver na lang ako dahil tinatamad akong magluto. Nakalimutan kong bumili ng pagkain. “Mia, pupunta na sana ako riyan kaya lang, nakaka-bwisit. Nandito na naman ako sa office ng daddy,” reklamo sa akin ni Zelle. Kausap ko siya sa phone at kanina pa siya talak ng talak tungkol sa pamilya niya. Hindi ako sumasagot dahil tinatamad akong magsalita at kumakain din ako. “Sige pakabusog ka lang,” she sarcastically said. Binabaan na niya ako ng tawag nang tawagin na siya ng daddy niya. Napatingin na naman ako sa mga canvas kong hindi pa rin tapos. Ngayon ko lang napansin na halos magkapareha lang ang mga pinipinta ko. Halos walang pinagkaiba, pareho silang kulang ng mukha. I want to make this day productive as much as possible but I can’t continue what I’m doing. Palagi akong tinatamad kahit na mukha namang okay ang mga gawa ko. I think it is time for a night out. Hindi ko na inaya ang mga kaibigan ko dahil kapag may oras sila. Sila naman ang unang mag-aaya. Paglabas ko ng condo ay bumungad na naman sa akin ang pagmumukha ni bossing. “Ayos, saktong-sakto. Tara na,” aya nito. Nakabihis na siya, maong pants lang naman at plain black shirt but it hits big time when he wore it. Hindi nga lang siya ang tipo kong lalaki. “Dex! Let’s go,” tawag niya sa alalay niya. Padabog itong lumabas sa condo ng lalaki pero agad namang umayos nang makita si bossing niya. Takot lang niya sa bossing niya dahil kapag nakikita niya ito ay agad siyang napapaayos. They told me they bought the condo next to mine because they want to be near with me, especially that bossing. Kahapon lang nila iyon binili at wala akong balak na kumustahin sila. Nang bumaba ako ay nakasunod lang sila na parang aso. “No. I can manage,” tipid kong sagot nang ayain nila akong sumakay sa kotse nila. Hindi muna ako sumabay ngayon kasi alam ko namang hindi ako magpapakalasing. Nakasunod lang ang dalawa sa akin. Naghahanap pa ako ng magandang bar na malapit lang kaya tumigil muna ako sa gilid. Nakatigil din sila sa likuran ko. I searched a bar near in my place. I saw a bar not far from here but I disliked the name of the bar. It is Choco Bar pero na-realized ko na lang na tinatahak ko na ang daan patungo roon. The bar is not crowded on the outside. May nakikita rin akong mga maskuladong lalaki na nagbabantay sa labas bago ka makapasok. I parked my car then got out. “Sorry but this bar is only for women,” harang ng mga guard sa dalawa kong kasama. Though hindi ko naman talaga sila kasama kasi hindi ko naman sila inaya, sumama lang sila. “What?” hysterical na sigaw ni bossing pero kita ko naman ang malaking ngiti ni Dexter sa sinabi ng mga guard. Pinagtabuyan pa niya ako at pinapasok na. Papasok naman talaga ako, kaya iniwan ko na sila. “Ayos! Makakagimik din,” masayang sabi ni Dexter. All I can see are all women, drinking, dancing and crying? What is this place? I even see someone laying on the floor. She looks so wasted; she’s laughing while murmuring something. Naupo ako sa pang-dalawahang mesa. “And now, here is our list for tonight’s choco bar. Oh! We have a very long list here. It feels like we are going to stay up all night, ladies. Of course, except for those who will have their own partner,” sabi ng isang babae sa mini-stage ng bar na ito. It seems like an exciting game. I think I would love to stay up all night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD